NAGTIRIK ako ng kandila dito sa simbahan para sa ika 57th birthday ni Itay. Pagkatapos kong alayan ng dasal ay kinarga ko aking anak. Tinuro niya ang balloon na tinda dito sa labas ng tindahan at agad ko siyang binilhan. Hindi na kami kumain sa labas dahil nagluto daw si Tiya ng pancit para sa birthday ni Itay. Sumakay lang kami ng jeep pauwi ng aming inuupahan. “Ang ganda-ganda ng apo ko. Nagsimba ikaw baby?” Napangiti lang ako nang bahagya nang binida ng anak ko ang balloon at marami siyang kinuwento sa tiyahin ko. Limang taon na si Carina at subrang daldal kaya kahit papaano ay napapawi ng anak ko ang pangungulila ko sa tatay ko. Kaunti lang kaming nagsalo-salo at nagbigay lang kami ng pancit sa mga kapitbahay. Sumapit ang gabi at hindi ko naman maiwasan na malungkot. Sa tuwing p

