Katarina’s POV MABILIS ang pangyayari at ngayon ay narito na kami sa harap ng malaking mansyon. Kasama ko ang anak ko pero ang tiyahin ko ay hindi. Hindi rin alam ng boyfriend ko ang plano kong ito. Napagkasunduan namin ng amo ko na dalawang buwan lang ako magtatrabaho sa kanya at sa dalawang buwan na ‘yon ay sasahod ako ng 2 million? Hindi ko alam kung gaano katuto ang sinabi niya. Pero kailangan kong sumugal kahit pa ang 100k lang ay subrang laki na at magagamit ko iyon sa pag-aaral ng anak ko sa susunod na taon. Baka hindi na rin ako magtatrabaho abroad at magtayo na lang ako ng tindahan. “Nanay, nanay?” Nabaling ang atensyon ko sa anak kong ginagalaw ang kamay ko at nakanguso siya at sinundan ko ang tingin niya. Doon ko pa lang napansin ang medyo may edad na babae at nakangiti

