Carmela's Pov. UMUSBONG na ang haring araw ng lumabas ako ng silid. Maganda ang sikat nito na bahagyang natatabunan ng dahon ng niyog. Pailan-ilan palang ang nagtatampisaw sa dagat at meron ding nagbabad sa init. Pupunta sana ako sa coral beach restaurant nang napaatras ako dahil malayo palang ako ay tanaw ko na ang dalawang pares na masakit sa mata. Ang sweet nila habang kumakain. Panay din ang subo ni Steve kay Rose na akala mo pilay. Ke-aga aga ito ang bubungad sa akin. Di bali na tiisin ko na lang ang gutom. "Hi, Carmela. Good morning!” Magiliw na bati sa akin ni Prince. Kaya napawi ang inis ko at ngumite dito pabalik. "Hi Prince, good morning din! Kumain kana ba?" Tanong ko. "Not yet, yayain sana kit—“ "Tamang-tama nagugutom na ako eh,” putol ko sa kanya sabay hawak sa kamay

