Carmela’s POV NANG lumapit sa akin si Marco ay bigla ko itong niyakap. Kahit na galit ako sa kanya ng mga sandaling iyon nakaramdam pa rin ako ng kakampi. Yung mga panahon na mabilis niya akong ipagtanggol sa mga bully sa school dahil sa "Nerd" ako. Si Marco ang nagsilbi kong tagapagtanggol. "Marco, ayoko na dito. Kunin mo na ako please.” Saad ko at sinadya ko pang lakasan ang aking boses. Pero nang mapansin ko ang yabag ni Steve at Rose papalayo ay agad akong kumalas kay Marco. "Marco, gusto ko nang umalis dito. Alam kong pagtatawanan mo lang ako pero mas gugustuhin ko 'yon kaysa ang ipagtulakan ako ni Steve papalayo. Masakit ang puso ko, subrang sakit!” umiiyak pa rin ako at kinuha ang kamay niya upang lumbas ng kwarto ngunit hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan niya. "You're not le

