Chapter 2

1191 Words
Chapter 2 “Ang SGO! Halika na, umalis na tayo, baka madamay tayo rito,” sabi sa ‘kin ng kaklase ko habang hinihila ang aking kamay. Tumango ako at naglakad na kami palabas ng cafeteria. Lumabas na rin ang ibang estudyante na nasa loob. Binalik ko ang aking tingin sa kanilang direksyon habang naglalakad palabas. Tinutulungang tumayo ng vice president sina Harry at ang lalaking nabugbog. Tumingin ako kay Uno. Napansin ko na parang maamong tupa siya habang kausap ng president. “Ang cool talaga ng SGO, ’no?” Lumingon ako sa kaklase ko. Nakatingin din pala siya roon. “Kahit si Uno ay rumirespeto sa kanila, iniidolo rin sila dahil ang galing nilang leader, kaso ga-graduate na sila. Ikaw, Pres? Gusto mo bang maging SGO officer? Magaling ka namang leader Pres, kaya puwede ka.” Hindi ko alam ang ire-react ko. Totoo ang sinasabi niyang nirerespeto sila ng lahat ng estudyante at magagaling silang leader. Marami ring benefits ang makukuha kapag naging SGO officer. President ako ng section namin at mayroon na rin akong naging experiences sa pagiging leader, kaya hindi ako masyadong mangangapa kung sakaling magkakaposisyon ako sa SGO. Pero a great power comes with great responsibility. Mahirap ang ginagawa nila, kaya ayoko. “Ayoko, mabigat na responsibility kasi ‘yun. Sa section pa lang natin nahihirapan na ako, buong school pa kaya?” “Sabagay.” Bahagya siyang natawa sa sagot ko. Maraming oras ang lumipas. Natapos na ang klase namin hanggang 7:30 pm. Ito ang pinakamahabang oras namin. Nagligpit na kami ng mga gamit at lumabas ng room. Naiwan ako para siguraduhin na nakauwi na silang lahat. Lumabas na ako ng room at naglakad sa hallway. Halos wala na akong makitang estudyante sa paligid. Bumaba ako ng hagdan, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Harry na naglalakad. Pasimple akong sumunod sa kanya. Diretso lang siya sa paglalakad hanggang makalabas ng gate. Napansin ko na parehas kami ng daraanan kaya nakasunod lang ako sa kanya. Binilisan ko ang pagsunod dahil ang bilis niyang maglakad. Saan kaya siya pupunta? Napahinto ako nang mapansin kong huminto siya sa tapat ng Mc Donald’s. Madilim dito sa kinatatayuan ko kaya hindi niya ako mapapansin. Mga nagsarang store na kasi itong natapatan ko. “Uy! Taga-Ashford High ba itong nakikita ko?” Napalingon ako sa nagsalita. Isang grupo ng kalalakihan mula sa Sakura Academy ang nasa harap ko. Lima silang lahat. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil hindi maganda ang image ng school na ‘yon base sa mga naririnig ko. “Balita ko magagaling daw sa kama ang mga taga-Ashford? Sample nga.” “Bastos!” Lalayo sana ako sa kanila pero nakapalibot na sila sa akin. “Pa-victim ka pa, alam ko na ang ganyang galawan, Miss.” Hahawakan sana ako ng lalaki pero inunahan ko na siya ng sampal. “Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon kami sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Ang savior ko! Este si Harry. Lumapit siya sa amin. “Sino ka ba? Huwag mo kaming pakialaman,” maangas na sabi ng isa at itinulak siya nang malakas. Lumapit ang isa pa nilang kasama at binalak siyang suntukin, pero nakaiwas siya agad. Sinundan niya ito ng suntok na sumapul sa mukha. “Ang galing!” mangha kong sabi habang pumapalakpak. Lumapit na sa kanya ang apat at pinagtulungan na siya ng mga ito. Hindi niya na kayang lumaban pa dahil sa magkakasunod na suntok. Hindi maganda ‘to! Mabubugbog siya nang dahil sa ‘kin. “Tumigil na kayo!” sigaw ko sa kanila. Pero hindi pa rin sila tumitigil. “Tulong!” sigaw kong muli. May mga lumilingon pero agad din na umalis. Bugbog sarado na si Harry. Wala man lang akong magawa. Naiyak na ako. “Tulong!” Napatingin ako sa isang estudyanteng paparating. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim, pero nakikita ko ang kanyang uniform. Schoolmate ko siya. Napansin ko na may iniinom siya na kung ano nang makalapit sa direksyon namin. “Tulong!” sigaw ko para mapansin niya. Pero natigil ako nang makita ang kanyang mukha. Si Uno pala ‘to. Kalmado lang siyang naglalakad na parang walang nakikitang bugbugan. Dumaan siya sa gilid namin, pero napahinto siya nang mabangga ng isang lalaki. Sa lakas ng pagbangga ay nahulog ang kanyang iniinom. “The f*ck!” singhal niya habang nakatingin sa natapon na inumin. “Ang mcfloat ko!” mangiyak-ngiyak niyang daing at tumingin sa mga lalaki. Natigil ang pambubugbog kay Harry at binaling ang kanilang atensyon kay Uno. “Papalag ka rin ba?” maangas na tanong ng isa na mukhang leader ng grupo. “Hindi, natapon kasi ang mcfloat ko. Ayokong masayang kaya gusto kong inumin n’yo,” kalmado niyang sagot. “Tsk! Nagpapatawa ka ba? Edi ikaw ang uminom!” Pagkatapos itong sabihin ng lalaki ay sabay-sabay nilang sinugod si Uno. Halos mapanganga ako sa pag-iwas at suntok ni Uno na laging tumatama sa mga lalaki. Mukhang sanay na sanay siya sa away. Lima laban sa isa, kung iisipin talo si Uno, pero sa nangyayari, mukhang kulang pa ang lima para pabagsakin siya. Dumating ang patrol para umawat, pero mukhang tapos na ang gulo. “Tumigil na kayo!” sita ng patrolman sa mga lalaking nakaupo na sa daan. Ang iba ay nagpipilit na tumayo pero hindi na kaya. “Opo! Titigil na kami! Ilayo n’yo lang kami sa halimaw na ‘yan!” sigaw ng maangas na lalaki kanina. Sa hitsura niya ngayon, parang isang batang naihi sa shorts dahil sa sobrang takot. Lumapit sa kanila ang patrolman at pinapasok ang mga ito sa loob ng sasakyan. “Ikaw, sumama ka.” Nilapitan ng patrol si Uno at balak talagang kunin. “Huh! Bakit ako?” Kunot-noo siyang tumingin sa ‘kin at sumenyas na depensahan ko siya. “Sila lang po ang nanggulo, iniligtas niya po kami,” agad kong sabi na ikinahinga niya nang maluwag. “Talaga?” ‘di makapaniwalang tanong sa ‘kin ng patrolman at ibinalik ang tingin kay Uno. “Yes po,” sagot ni Harry. “Oh sige, umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo,” sabi nila at umalis na rin pagkatapos. “Salamat,” sabi ni Harry kay Uno. “For what? Hindi ko kayo iniligtas, ipinaghiganti ko lang ang Mcfloat ko.” Hindi na niya kami nilingon at dumiretso na sa paglalakad. Aba! Napakaano talaga ng lalaking ‘to. So, sa mcfloat kami dapat magpasalamat? Tumingin ako kay Harry. Hindi ko maiwasang ma-guilty habang pinagmamasdan ang mukha niya. Nabugbog siya nang dahil sa ‘kin. “S-salamat, sorry rin,” nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti siya at tumayo. “Okay lang, Miss. Basta kahit sinong estudyante ng Ashford, handa kong tulungan sa oras ng pangangailangan, nandito lang ako.” Parang ang lakas yatang mamulitika ng sagot niya. Kulang na lang sabihin niya, Harry Vasquez for President, number 1 sa balota. Hindi bale! Okay lang ‘yan, crush pa rin kita at botong-boto ako sa ‘yo. Lumingon ako sa direksyon ni Uno. Kahit gano’n siya, ‘di ko maitatanggi na natulungan niya kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD