Chapter 3

1310 Words
Chapter 3 “Girls si Zaku.” Napatingin kami sa lalaking paparating. Lakad pa lang niya ay agaw pansin na. Si Zaku Takumi, ang artista naming schoolmate. Sa commercials na lang siya madalas makikita dahil priority niya muna ang pag-aaral. Kahit siya ang Ultimate Heartthrob ng school ay approachable pa rin siya sa lahat, kaya hindi ako magtataka na maraming humahanga sa kanya. Matapos niyang makalayo ay tumuloy na kami ng mga kaklase ko sa paglalakad. Hindi ko pa nakikita si Harry simula nang magpasukan, parang may kulang tuloy sa ‘kin. Isang taon na lang din ang natitira dahil ga-graduate na kami, pero hindi ko na siya nakausap. “Pres, mukhang may mga nangangampanya na.” Napalingon ako sa bulletin board kung saan siya nakatingin. Poster ito ng mga tatakbo bilang SGO officer. Sabagay malapit na naman ang eleksyon kaya may mga nagsisimula na ngayon. Maraming benefits na makukuha kapag naging SGO officer. May allowance, free food, power na respetuhin at magpasunod ng mga estudyante. Pero napakahirap ng posisyon na ‘to. “Ayaw mo ba talagang tumakbo?” Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Ayaw kong pasukin ‘yan. Dagdag stress pa. Tumuloy na kami sa paglalakad papunta sa room. “Reina!” Napahinto kami at lumingon sa tumawag. Lumabas sa kanyang room si Ma’am Severino, mayroon siyang bitbit na mga papel. “Pakisuyo, pakidala naman ito sa Admin’s Office,” wika niya at binigay ito sa ‘kin. “Malapit na ang election, baka gusto mong tumakbo, sure akong magiging magaling kang leader,” saad niya pagkatapos. “Hindi po ‘yan pumapasok sa isip ko Ma’am, saka mahirap po ang posisyon na ‘yan,” nahihiya kong sagot. “Hays! Ikaw talaga, hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala sa sarili mo. Sige salamat.” Pagkatapos ni Ma’am na sabihin ‘yon ay bumalik na siya sa room. “Pres, sasama pa ba kami?” tanong ng mga kaklase ko. “Pasok na kayo ng room, pasabi na lang na inutusan ako ni ma’am.” Tumango sila at nauna na sa paglalakad. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa Admin’s office. “Late na tayo!” Nabitiwan ko ang lahat ng hawak ko nang mabangga ako ng kung sino. Mabilis akong umupo para kunin ang mga papel. Tumingin ako sa bumangga, tumatakbo na sila paalis. “Bwiset! Hindi man lang ako tinulungan!” singhal ko habang pinupulot ang mga papel. “Tulungan na kita.” Nagulat ako nang makita ang kamay na pumulot din ng papel at tinaas ang tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. Si Harry! Ang crush ko! Kitang-kita ang tangos ng kanyang ilong pati na rin ang mahaba niyang pilik mata habang nakatagilid. “SGO candidates?” Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya. Tumingin siya sa ‘kin at pinakita ang papel na hawak niya. “Y-yes, election para sa susunod na SGO officers,” nauutal kong sagot. “Reina, umayos ka . . .” bulong ko sa aking sarili. Kinuha niya na ang natitirang papel na nahulog at binigay na sa ‘kin lahat. “Selemet,” wala sa sariling sambit ko. “Reina, ‘wag kang magpabebe! Behave!” sita kong muli sa aking sarili nang mapagtanto ko ang paraan ng pagsagot ko rito. “You’re welcome, Reina.” Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko. Kilala niya ako? Kilala ako ng crush ko! Paano niya ako nakilala? Hindi na bale, ang mahalaga kilala niya na ako. “By the way Reina, pwedeng humingi ng isa? I-po-post ko na rin sa room namin.” Tumango ako at pilit na pinipigilang manginig ang kamay ko sa pag-abot sa kanya ng isang papel. “Salamat.” Palihim akong napakagat-labi nang makaalis na siya. Grabe, ‘yung ngiti niya! Mukhang tatakbo si Harry. Sabagay deserve niya ‘yon dahil bukod sa magaling siyang leader, matalino rin siya. Sure akong magiging maganda ang pamamalakad niya sa school incase na siya ang maging SGO officer. Napansin ko na nandito na ako sa Admin’s office. Kumatok ako at binuksan na ang pinto. “Sebastian! Sa susunod na manonood ka ng p**n ‘wag kang gagamit ng projector.” Boses na bumungad sa ‘kin nang makapasok ako sa loob. Napatingin ako sa kung sinong sinisermonan ng Admin. Si Uno Sebastian na naman. Mukhang itong office na ang ginagawa niyang classroom. “Miss Reina.” Napatingin ako kay Sir Admin. Lumapit ako sa kanya at binigay ang mga papel. “Thank you.” Ngumiti ako at tumango. “Ikaw Sebastian, bumalik ka na sa room n’yo.” Lumabas na ako ng office kasunod si Uno. “SGO, samahan ng mga estudyanteng pwedeng mag-cutting. Kung tumakbo kaya ako bilang president?” Kunot-noo akong napalingon sa nagsalita. Si Uno, na kinakausap ang sarili. Napangisi na lang ako habang naglalakad. As if namang mananalo ang loko-lokong katulad mo. Si Harry ang perfect para maging president dahil mabait na siya, matulungin pa. Hindi ang isang basag-ulo na tambay ng Admin’s Office. Napailing ako at mabilis na naglakad pabalik ng room. LUMIPAS ang dalawang araw. Nagsagawa ng meeting para sa lahat ng classroom officers. Ang meeting ay tungkol sa susunod na Student Government Organization. “Any candidates for the president?” tanong ni Sir Mariano, ang SGO Adviser. Mayroon agad isang mabilis na nagpresinta at pumunta sa harap. Maraming sumisigaw ng pangalan ng Harry kaya sumunod na rin siya. “Si Reina po, Sir.” Nagulat ako nang i-nominate rin ang pangalan ko. “Cabales,” pagtawag sa ‘kin ni Sir Mariano. “Hindi po, Sir. Ayoko po.” Sabay iling ko na ikinadismaya nila. “Okay, mukhang dalawa lang ang maglalaban,” pag-anunsyo ni sir. “Sandali po.” Napalingon kaming lahat sa dumating. Wala siyang suot na ID, hindi ayos ang necktie at naka-half button pa ang kanyang uniform. “Pres!” Nagulat ako ng tawagin siya ng section na kanina pa magulo sa gilid. “Uno Sebastian.” Nakapamulsa siyang naglakad sa harap. “Tatakbo rin ako bilang president.” Nakangisi niyang sabi na ikinagulat ng lahat, pero ‘di nagtagal ay pinagtawanan rin siya. “Alam mo ba na SGO ang gumagawa ng solusyon sa problema ng estudyante? Eh ikaw ang problema, tapos tatakbo ka bilang president,” buwelta ng isang tatakbo bilang pangulo. Ngumiti lang sa kanya si Uno at nilapitan siya. “Natatakot ka ba na baka matalo kita?” “Boom! President namin ‘yan!” pagsuporta ng kanyang mga kaklase. Napailing na lang ako sa kanila. Masyadong toxic! Nag-aaway pa sila, si Harry naman ang mananalo. “Good luck na lang sa atin, guys.” Sabay matamis na ngiti ni Harry. Buti pa si Harry, mabait lang. “Okay students, ang mga tatakbong president ang bahala mamimili ng kanilang mga miyembro kaya nasa kanila na ang desisyon. Ilang saglit lang ay natapos na ang meeting. Nag-alisan na ang ibang mga estudyante at balak na rin naming umalis. “Reina, wait!” Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. The King of my life! Si Harry. “Reina, pwede ba kitang—” “I do,” mabilis kong sagot. “Huh?” Biglang nag-puzzle ang kanyang reaksyon. “Ano ulit?” tanong ko. Reina, ‘wag kang masyadong magpahalata. Kumalma ka. “Pwede ba kitang maging vice president?” Ako? Vice president niya? Sa dinami-raming estudyante na narito, ako pa ang pinili niya bilang Vice. Dito na ba? Dito na ba magsisimula ang love story naming dalawa? “Yes!” wala nang pagdadalawang-isip na sagot ko. “Akala ko ba pres, hindi—” Sisingit sana ang kaklase ko pero pinanlakihan ko ito ng mata. “Ay! Oo nga Harry! Hindi ka nagkamali sa pagpili sa kanya,” sabi ng kaklase ko sabay taas ng dalawang kilay sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD