Chapter 4

1296 Words
Chapter 4 “President Harry and Vice President Reina. Bagay na bagay, Pres!” “Ang SGO couple ng Ashford High!” kinikilig na sabi ng mga kaklase ko rito sa loob ng cafeteria. Hindi ko rin tuloy maiwasan na kiligin habang ini-imagine ‘yon. “But ‘di ba, Pres? Ayaw mong sumali sa SGO?” Nabalik ako sa reyalidad at tumingin sa kanila. Hindi ko nga pala gustong sumali sa ganito dahil mayroon ‘tong malaking responsibilidad. Pero chance na ‘to para mapalapit kay Harry, so grab the opportunity! “’Di ba sinabi kong igawa mo kami ng project!” Nabaling ang atensyon namin sa katabing table. Nakaupo roon ang isang nerd na pinaliligiran ng tatlong malalaking lalaki. Nagulat ako nang makitang kwinelyuhan siya ng isa at inangat. “Hoy.” Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko maiwasang mapangisi nang makita ko si Uno. Sigurado akong kasabwat siya ng tatlo. “Bakit?” maangas na tanong sa kanya ng lalaking nangkwelyo sa nerd. “Umalis ka sa daraanan ko,” walang emosyon niyang sagot. “S-Si Uno, brad,” nauutal na sabi ng isa habang nakatingin sa kanya. “Brad! Wala akong paki kahit sino pa ‘yan!” Binitawan ng lalaki ang nerd at inambahan ng suntok si Uno, pero hindi ito itinuloy. “Alis,” tipid na sabi ni Uno. “Tss. Pasalamat ka, naawa lang ako sa ‘yo,” maangas na sabi ng lalaki pero kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. “Tara na,” sabi nito sa mga kasama at naglakad na paalis. Nilapag ni Uno ang kanyang pagkain sa table ng nerd at umupo. “S-Salamat pala,” nanginginig na sabi ng nerd. Napakunot-noo ako habang tinitingnan si Uno. Parang noong nakaraan lang, siya ang nagsimula ng gulo at eskandalo, tapos tagapagtanggol na siya ngayon? Nice winning strategy pero ‘di tatalab. “Anong pangalan mo?” Magge-getting to know each other pa nga sila. “K-kevin.” “Kevin?” “Kevin Rodriguez,” sagot ng nerd. “Pres, baka matunaw si Uno niyan,” pagsingit ng kaklase ko. Hindi ko siya pinansin at mas tinuon pa ang atensyon kay Uno. “Kevin Rodriguez, ikaw na ang auditor ng team ko.” Ano raw? “Huh? A-anong team?” “I’m running for the SGO President, ikaw ang magiging auditor ko,” seryosong wika ni Uno. Mukhang pinanindigan talaga ni Uno ang pagtakbo. “P-president? Ikaw?” gulat na tanong ng nerd. Ganyan din ang reaksyon namin nang malaman ‘yon. Tiningnan lang siya ng masama ni Uno. “Ay! Oo tama,” bawi nito. “Pero, Kuya Uno, hindi ko kaya.” “Bawal ka nang tumanggi, miyembro ka na ng team ko. Ang Team FACT U.” “T-team f*ck you?” Napangisi ako at tinigil ang pakikinig sa kanila. Gaya nga ng inaasahan sa isang Uno Sebastian, puro katarantaduhan. TATLONG araw ang campaign. Malakas si Harry sa mga estudyante kaya mukhang sure win na. Magaling din siyang magsalita at marunong gumawa ng strategy. Kilala at magagaling ang mga pinili ni Harry, perfect talaga para sa posisyon at mas nagpalaki pa ito sa chance namin na manalo. Inaya ni Harry si Zaku na tumakbo para mas lalong magkaroon ng appeal ang Party-list, pero tinanggihan siya nito. Wala raw kasing interest si Zaku sa politika. Todo pagpapakilala ako para manalo. Hindi ko bibiguin si Harry, ipapakita ko sa kanya na deserving ako bilang Vice niya. Kung iisipin, kapag parehas kaming nanalo, matatawag kaming SGO Royalties. Ang Harry at Reina. “Vote straight, vote WISELY Party-list.” Sabay-sabay naming sabi habang nakaturo sa ‘ming sentido. Pagkatapos ay nagpaalam na kami para lumabas. “Next.” Napatingin kami sa susunod na room. Ito ang section ni Uno. Rinig na rito sa labas ang ingay nila. Napahinto kami sa tapat ng pinto at nagpakiramdaman. “Papasok pa ba tayo?” tanong ng running for Secretary kay Harry. “Yes, para malaman din nila ang plataporma natin,” nakangiti niyang sagot. Kumatok siya sa loob at pinagbuksan agad. Walang teacher sa loob kaya pala maingay. “Excuse me, hihiramin lang sana namin ang kaunting oras n’yo,” nakangiting bungad ni Harry. “Sige lang,” sagot ng lalaki sa kanya. Isa-isa na kaming pumasok sa loob. Nilibot ko ang tingin sa paligid, mukhang nanganampanya rin si Uno dahil wala siya rito. Sinimulan ng class representatives ang pagpapakilala. Pinaliwanag din ang aming platforms. Nakakagulat dahil tahimik lang silang nakikinig habang nagpapaliwanag kami. “May tanong po ba?” tanong ni Harry pagkatapos magpaliwanag. Walang sumagot sa kanila, ang iba ay naghikab pa para ipakitang nababagot at hindi interesado. “Mukhang maliwanag na sa kanila,” bulong ng Secretary sa gilid ko. “FACT U.” Tumingin kami sa estudyanteng nagsalita. “FACT U pa rin kami,” sinundan pa ito ng iba. “Minumura ba nila tayo o sarili nila?” naguguluhan kong tanong sa mga kasama ko. Pagkatapos naming mangampanya ay bumalik na ako sa room. Saktong nasa labas ang partido ni Uno kaya agad akong pumasok sa loob para marinig ang campaign nila. Sumilip si Uno sa pinto at tumingin sa ‘ming subject teacher. “Magka-campaign lang po kami,” pagpapaalam nito. “Come in,” malamig na tugon ni Ma’am. Pumasok sila sa loob at sunod na dinikit ang banner kung saan nakalagay ang kanilang mga pangalan. FACT U Party-list. Napansin ko na wala silang secretary. Sino ba naman kasing papayag na maging miyembro niya? Tapos ganyan pa ang pangalan ng partido? Mukhang tinakot niya lang yata ang kanyang mga miyembro na sumali. Napatingin ako sa isang miyembro, ang nerd sa Cafeteria. Hindi na talaga siya nakatakas kay Uno, kawawa naman. “Good day, everyone. We are the FACT U Party-list!” panimula ni Uno. “F*ck you? Pft! Anong klaseng partylist ‘yan?” tanong ng kaklase ko. Sinenyasan ko ito na tumahimik. “Mr. Sebastian! Paano nakalusot sa Admin ang ganyang klaseng pangalan? Hindi ‘yan pwede,” gulat na tanong ng teacher namin. Hindi naman kasi talaga magandang tingnan at pakinggan. “Basta talaga si Uno, puro kalokohan lang ang nasa isip. Bakit pa kasi ‘yan tumakbo? Panggulo lang ‘yan!” Sinamaan ko ng tingin ang isa ko pang kaklase para tumigil. “Hayaan mo na, ubos oras din ‘yan.” Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik ang tingin kay Uno. “For Academic Competencies, Talent and Unity Partylist.” Nagkaroon ng katahimikan sa buong klase pagkatapos niyang sabihin ang kahulugan. “FACT U, salitang pangit pakinggan pero may magandang nilalaman. Ipinapakita lang nito ang kasabihan na ‘don’t judge the book by its cover’, dahil hindi lahat ng pangit sa mata ay masama na at hindi lahat ng maganda sa paningin ng iba ay tama na. Kaya FACT U dahil nagpapakatotoo lang kami, balewala ang magagandang sinasabi ng bibig, kung ang lahat ng ito ay walang kahulugan at hindi kayang panindigan.” Nanatili kaming tahimik. Hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ni Uno ang mga salitang ‘yon. “We don’t need any flowery words to prove to all of you that we are deserving of your trust. Honesty is the only thing we can offer, because words are useless if actions are not done.” Napatingin ako sa nerd. Puno ng kumpiyansa itong nagsasalita, hindi ko inaasahan na mayroon siyang ganyang katangian. Natapos na ang kanilang pagpapakilala pero bakas pa rin sa ‘kin ang gulat at pagkamangha. “Ma’am,” pagtawag ni Uno sa teacher namin. “Ano?” “FACT U po, este thank you po,” nakangising wika nito at nagpaalam na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. Ano ba talaga ang balak mo, Uno?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD