Naging busy si Doc sa mga sumunod na minuto. Marami kasing kumakausap sa kanya. Pumunta ako sa CR. Habang naghuhugas ng kamay napatingin ako sa babaeng tumabi sakin. Si Jill. Ngumiti siya ng makita ako kaya nginitian ko rin siya. "Gaano na nga kayo katagal ni Doctor Alex?!" Tanong niya habang nagre-retouch ng make up. "Ahm recent lang." Sagot ko. Naalala kong yun yung sinagot ni Alex kanina nung tinanong siya. Napaisip tuloy ako kung hindi ba niya yun narinig. Napatitig ako kay Jill. Tingin ko nasa mid 30's na rin ang edad niya na gaya ni Doc. "Oh really! Hindi ko alam na may gf na pala siya. Akala ko kasi hinatak ka lang din niya para sumama dito na kagaya ng ginawa niya noon kay Desiree." "Ha?" Nabigla kong tanong. Napatigil ako sa pagpapahid ng lipstick. Nagtataka ako kung bakit ni

