Pagbaba ko sa 10th floor hinanap ko yung room ni Ali. Nag doorbell ako. Agad bumukas ang pinto. Bumungad sa paningin ko si Ali. Yung taong sa cellphone ko lang nakikita ngayon nasa harapan ko na. Gusto kong matuwa pero hindi mawala sa isip ko si Doc. Hindi ako makapag-focus. "Pearl!" He smiled wide at me. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Oh wow, I can't believe you're here!" Nakikita ko sa mga mata niya ang saya. "I'm glad to see you Ali!" Nginitian ko siya. Bumitiw na ko sa yakap sa kanya. Pinapasok niya ko sa loob at pinaupo sa couch. Umupo din siya sa tabi ko. "I thought you're not coming!" Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't know how happy I am that you're here. I've been waiting for this for a long time. I'm so glad we're together now, my baby!" Naalala ko na naman si Doc

