“ISANG kotse na may plakang TEO-125 ang nakita sa bangin sa Rizal. Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ay nahulog ang naturang sasakyan sa bangin habang minamaneho ng isang babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala. Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung ano nga ba ang totoong sanhi ng aksidente. Sa ngayon ay nasa ospital na ang babae at kritikal ang kalagayan…” Tigalgal si Daisy nang mapanood niya ang balitang iyon sa telebisyon ng tanghali na iyon. Kakabalik lang niya ng bahay dahil nakipagkita siya kay Fred sa malapit na fast food restaurant para ibigay ang bayad dito. Nangako naman ito sa kaniya na mananahimik ito at hindi magsasalita kahit na sino tungkol sa ginawa nito kay Eloisa lalo na sa pag-utos niya dito na gawin iyon. Sigurado siya at hindi siya pwedeng magkam

