ANG amoy ng usok ng sigarilyo ang unang naamoy ni Eloisa nang bumalik ang kaniyang malay. Igagalaw niya sana ang kaniyang ulo para luminga dahil nais niyang malaman kung nasaan siya pero hindi niya magawa. Kahit ang kamay at mga paa niya ay hindi niya rin maigalaw. Mistula siyang paralisado. Mas lalo siyang kinabahan dahil doon. Maya maya ay medyo umayos na ang takbo ng utak niya. Saka lang niya napagtanto na nasa kotse siya ni Theo. Nakaupo siya sa may driver’s seat habang may seat belt. Madilim ang paligid kaya hindi niya alam kung nasaan siya. “Gising ka na pala, Miss Ganda!” Muli niyang narinig ang bruskong boses ng lalaking nagpatulog sa kaniya. Biglang bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari. Kung ganoon ay kinidnap siya ng naturang lalaki! Tanging mga mata lang niya ang kani

