“HOY, Madel! Tagay pa. Tumagay ka na. Ano ba?” Lungange na sa alak si Daisy. Halos isang pulgada na lang ang taas ng alak na natitira sa bote. Si Madel naman ay nakasubsob na sa lamesa at humihilik pa. Inusog niya ang shot glass palapit dito. “Hoy! Tagay na!” Sinundot-sundot pa niya ang ulo ng kasambahay. Nagulat siya nang gumalaw si Yaya Madel at akala mo ay zombie na umangat ang mukha. Halos nakapikit na ito sa sobrang kalasingan. “Ma’am, hindi ko na kayang uminom. Wala naman akong problema pero dinamay ninyo ako sa paglalasing ninyo. Happy naman ako, e! Dinamay niyo pa ako!” Tumayo si Yaya Madel sabay kamot sa puwitan. Napautot pa ito ng malakas. “Amo mo ako kaya kung ano ang iutos ko, susundin mo! Gusto mong mawalan ng trabaho? Gusto mo?!” “E, ma’am, kasambahay ako dito at hindi ka

