HINDI na namalayan nina Eloisa at oras hanggang sa mapatingin siya sa kaniyang wrist watch. Ilang minuto na lang at ala una na ng madaling araw. Napasarap kasi ang kwentuhan nila bagaman at hindi naman siya lasing na lasing. May tama lang ang alak pero alam pa naman niya ang kaniyang ginagawa. Ayaw din naman niyang magpakalasing ng sobra dahil uuwi pa siya. Kung meron mang lasing sa kanila lima, si Lorraine iyon. Talagang nakipagsabayan ito kina Martin. Medyo kinabahan siya dahil sa oras. Baka kung ano ang isipin ng biyenan niya at kung ano pa ang isumbong nito sa kaniyang asawa. “Guys, one na pala. Uwi na kaya tayo?” aniya sa mga kasama. “Naku, oo nga! Sige, uuwi na rin ako. Ngayon ko lang naramdaman ang antok!” Humikab ng malaki si Lorraing sabay hilig ng ulo sa balikat ni Martin. “D

