Chapter Eight

2050 Words

“AKO pa rin ang nagbabayad ng kuryente at tubig sa bahay na ito kaya huwag na huwag mo akong pagtataasan ng boses, Eloisa! Wala kang karapatan dahil sampid ka lang dito! Napakalakas ng loob mo. Palibhasa anak ka ng mamamatay-tao—” “Hindi mamamatay-tao ang kahit na sino sa pamilya ko. Oo, mali na sinasagot ko kayo pero sumusobra na kayo. Alam kong kayo ang may kagagawan kung bakit ako tinatanong ni Theo kung may iba ba ako. Hindi siya magtatanong ng ganoon kung walang naggagatong sa kaniya ng kung anu-ano!” Talagang inipon na ni Eloisa ang lahat ng lakas ng loob na meron siya para sagutin ang kaniyang biyenan. Ngumisi si Daisy. “Talaga? Wala kang iba? E, huling-huli ka sa camera!” saglit itong pumunta sa may side table ng kama nito at mula doon ay kinuha nito ang cellphone nito. Isang vid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD