Kabanata 1:
Pinagmamasdan ni Chrystalle Rodriquez ang paborito niyang spot sa Haven Gardens kung saan halos araw-araw siyang lumagi nitong nakaraang isa at kalahating taon. Kinuha niya mula sa dalang French woven basket ang plaid basket at inilatag iyon sa damuhan na halos natatakpan na ng nagkalaglag na dahon.
Autumn in France, aniya sa sarili na nilanghap ang hangin. Napangiti siya dahil may kumaripas na gray squirrel sa kabilang dako ng isang elm na puno.
Iyon ang gawain niya kapag tapos nang lahat ng dapat niyang gawin sa buong araw- manood ng mga taong inilalakad ang kanilang mga alagang hayop. Para sa kanya, iyon ang naka-re-relax.
Tinagurian din niyang, 'lover's lane' ang lugar na iyon lalo na sa dakong patungo sa Round Pond na malapit sa Haven Palace. Maraming nagdaraan na couples sa lugar na iyon. May titigil pa sa mismong tapat niya at maghahalikan. Ang ilang adventurous na press ay magtatago lang sa likod ng malalagong halaman sa gilid- gilid ng napakalaking parking iyon.
Iyon ang matagal na niyang na mi- miss sa kanyang dalawampu't tatlong taon na existence; ang magkaroon ng special someone na kanyang mamahalin at pag - uukulan ng pansin. Nang sibubukan niyang makipag- steady noong siya ay sixteen pa lamang ay sinabon siya ng kanyang ina, idinikdik nito ang kanyang ulo sa pag- aaral muna ang dapat unahin. Ayaw nitong matulad siya sa nangyari rito na isang single mother.
Naranasan din niya ang ma-in love subalit iyon ay napunta lamang sa heartache.
"ANG SUWERTE KO NAMAN," bulong ni Arnold sa bagong kaklase niya sa Biology 101, katabi ko ang pinakamaganda sa klase."
May mayuming ngiti na sumilay sa kanyang mga labi; hindi siya ang tipong magpapadala sa boladas ng kahit na sinong lalaki dahil hindi siya kailanman naniwala na siya ay may hitsura.
Na-flatter siya sa attention na ibinigay ng lalaki kaya naman sila naging constant companions. May mga kaklase nga sila na nangulit kung sila na ba; syempre pa, pinabulaanan niya ang rumor subalit sa kabila ng kanyang isipan:
Magdilang - anghel sana ang mga tsimosa!
Dating waitres at kitchen helper ang kanyang ina sa restaurant ni Reymart Remulla na E&J sa Bluebirds. Madalas itong mag-eksperimento ng mga recipes at ginanyak siyang magkaroon ng interest sa pagluluto. Ang paghuhurno ang nakahiligan niya; nang siya ay labing- anim na taong gulang na ay na-master niya ang paggaya ng masarap na profiterole o cream puffs na may custard cream filling at may coating na caramel. Nahilig din siyang gumawa ng Danish pastry na tropical fruit jam ang kanyang inilalagay at roasted pili nuts o kaya ay ground Brazillian nut paste na inihalo sa sticky syrup.
Madalas din siyan magbaon ng kanyang mga hinuhurno kaya naman napansin ng kanyang mga kaklase ang special na merienda niya. Nagpatikim siya minsan ng mga bite sizes na cream puffs at may ilan na um-order sa kanya- isa na rito si Arnold na um- order ng dalawang dosena.
Hindi mahirap ang gumawa ng profiterole o cream puffs; kaso nga lang, ito ay labor intensive dahil ilang proseso ang dapat paghahalu- haluin ang mga sangkap ay ayos na.
Nang araw bago ang delivery ng mga profiterole ay halos hindi siya natulog para lamang matapos ang trabaho at packing ng mga iyon sa mga kahon na inadornohan niya ng ribbons para maging presentable.
Kaklase niya si Arnold sa last period kaya noon niya ibinigay ang order ng binata. Binuksan kaagad nito ang isang kahon at kumain ng dalawang pirasong profiterole.
"Mmm... heaven," nasisiyahan nitong komento. "You are so right for me, Crystalle. I have a sweet tooth, you know." Parang sumayaw sa kaligayahan ang kanyang puso sa narinig.
Nakita niyang bumunot ito sa bulsa upang kunin ang pitaka. Ngunit nang buklatin nito iyon ay wala pala itong cash. At mayroon lang ito ay ATM card.
"Aww, wala akong cash," anitong napakamot sa ulo. "Puwede bang dumaan na lang tayo sa may ATM booth pagkatapos ng ating klase?"
"Okay," tugon niya na may kasiyahan, "no problem." Nang tapos na ang Biology period ay nagdatingan naman sa Chimestry ang tatlo pang schoolmates na um-order ng profiteroles at naging abala siya sa pag- estima sa mga ito. Napatingin lamang siya kay Arnold na noon ay lumabas ng Biology lab kaya naisip niya na baka maghihintay ito sa kanya sa corridor.
Subalit nang makalabas siya sa Biology lab ay wala roon ang binata. Inakala rin niya na baka ito ay naghihintay sa entrada ng Arts and Science Building. Wala.rin ito roon kaya minabuti na lamang niyang magtungo sa jeepney stop at umuwi.
Absent ang lalaki nang sumunod na Biology period. Nang dumating ito nang susunod na linggo ay masaya itong humarap sa kanya.
"It's my birthday on Saturday," anunsyo nito.
"Talaga?" masaya niyang tugon.
"Yup, at nais kong imbitahin ka at sabihin na rin na wish kong igawa mo ako ng birthday cake," anito na parang maamong tupa na ang mga mata at nguso ay nakikiusap. " Iyon ay kung okay lang sa'yo?"
Madali lang gumawa ng cake. Kaso, ang hirap sa kanya, walang challenge ang gumawa ng simpleng cake lamang. Tumango siya bilang pagsang- ayon.
"Okay, igagawa kita ng cake, masaya niyang sabi na ipinatong pa sa braso nito ang kanyang kamay at naisip na kaya siguro na hindi pa muna siya binabayaran nito sa profiterole ay dahil o-order pa ito ng birthday cake at marahil ay pagsasabayin na lamang ang bayad.
Dumating ang araw ng Sabado, sinadya niyang magpahuli para maging dramatic ang kanyang entrance at ng cake. Inayos niya sa kusina ang individually cut carrot cake na inilagay sa muffin form at may glazing na cream cheese. Hindi naman niya akalain na napakarami pala ang barkada ni Arnold; tatlumpung maliliit na cake slices lang ang kanyang ginawa at iyon lang din ang kanyang budget. Kung bayad sana ang naunang order nito na profiterole ay may puhunan pa siya para sa mas malaking cake. Dinumog kaagad ang carrot cake. Napatingin na lamang siya sa cake holder na wala nang laman saka noon lumapit si Arnold.
"Sabi ko naman sa'yo, you are very special," anitong humalik sa kanyang pisngi. Sukat doon ay may lumapit na babae at umangkla sa binata.
"Arnold, siya ba ang gumawa ng mga cream puffs?" masuyo nitong tanong sa birthday celebrant.
"Yes," simpleng tugon nito.
"Alam mo," anang babae kay Crystalle, " noon lang ako nakatikim ng cream puffs na pagkasarap- sarap. Hindi ko makalimutan ang lasa and in fact, nang dahil sa regalong iyon ni Arnold na napaka- unique ay sinagot ko siya nito lamang isang linggo."
"Talaga?" aniyang hindi kaagad naalis ang ngiti sa mga labi dahil may dumating na realization sa kanya. " Good for Arnold, kung gayon."
"Yes," Ipinakita pa nito ang simpleng singsing sa kanya. "Sabi niya ay o-order siyang muli."
"Sure," tango niya.
Nang siya ay makauwi at nasa kanyang silid ay saka niya pinakawalan ang luha na umagos hanggang sumikat ng araw.
PAGKATAPOS ng alaalang iyon ay minabuti niyang bumalik na sa flat at sinalubong siya ng mag- asawang Brates na noon ay may seryosong expression sa mga mata.
"You had a phone call just a quarter of an hour ago," sabi ni Mrs Mellanie Brates na kasabayan ni Raymard Remulla na pumasok sa prestigious culinary school. "It's Raymart eldest daughter Seffie.. I told her to call again in an hour or so to tell you news herself." Ray ang palayaw ng ama ni Seffie.
"Oh, si Seffie," aniya na ngumiti subalit may pagtataka rin dahil wala siyang maisip na dahilan para tawagan siya ng panganay na anak ni Raymart.
Nang muli ngang tumawag si Seffie ay hinayaan ng mag- asawang Brates si Chrystalle sa telepono, discreet na nag- retreat ang mga ito sa kusina.
Pagkatapos ng usapan nila ng caller ay tila siya shocked na tumingin sa kawalan; pilit na i-internalize ang narinig na balita.
Nang magbalik si Marianne at ang asawa nito ng si Nigel ay niyakap siya ng babae at hindi niya napigil na humagulhol.
"I have always known that you are Raymart's daughter, he told me so after you were born," pagbibigay-alam ng ginang na isang mabuting kaibigan; ito at ang mga Remulla sa Ponderosa Hills kapag nagbabakasyon sa Pilipinas. "If you were just a godchild of his, we wouldn't have let you live here in our home. But because you are Raymart's daughter, I could only oblige to help you... I am sorry for your loss."
Nang huling linggo ng Oktubre ay nag - chat sila ni Seffie at sinabi nito kung anong balak nilang magkakapatid at tinatanong siya kung nais ba niyang maging bahagi ng magiging bagong bukas na restaurant.
Siya ay sumang-ayon.
HAPON, sa Albert Memorial side ng Haven Gardens naman siya pumuwesto mga sampung metro ang layo mula sa public toilet. Sa mga sandaling iyon ay pinapanood niya sa di- kalayuang puno ang babae at lalaking iyon; isang napakatamis ng eksena!
How I wish, aniya sa sarili na may buntong- hininga dahil sa inggit na nadarama habang pinapanood ang magkasintahan Countdown na talaga ako mula sa araw na ito! Inilabas niya ang dalang inumin mula sa picnic basket.
Hindi siya mahilig uminom ng alcoholic beverage, pero nang araw na iyon ang nasa celebratory mood siya kaya ang ibinaon niya ay dalawang 200ml na bote ng Bailey's Irish Cream. Ibinalot niya ang mga yun sa brown paper para walang makahalata na may alcohol content ang kanyang inumin.
Mabuti pala at itong Bailey's ang dinala ko, isip niyang dinama ang malamig na hangin. Para mainitan ang kanyang katawan ay panay ang pagtungga niya sa inumin na halos nakalimutan na niyang kainin ang baon niyang Scottish shortbread biscuit.
"Isang linggo na lamang at balik- Pilipinas na ako," bulong niya sa sarili.
Hindi naman siya sa nalulungkot na umalis ng Paris. Sa totoo lang, nasasabik pa nga siyang umuwi dahil nasisiyahan siyang malaman na siya ay may pamilya.
Napangiti siya sa isiping ang kinagisnan niyang mga kinakapatid ay tunay palang mga kapatid niya.
Nawalan man siya ng ama ay nabuo naman ang kanyang pagkatao. Hindi siya masyadong nagdalamhati dahil hindi maikonekta ang kanyang isipan ang pagiging ama ni Raymart sa kanya. Hindi sila ganoon kalapit dahil ito ang tinaguriang proverbial godfather na tuwing Pasko at kaarawan lamang niya nakakausap. Subalit mas malungkot siya na hindi niya maipamamalas dito ang skills na kanyang natutunan sa culinary school.
Nitong mga makaraang mga panahon ay mahigpit ang competition para sa mga naghahanap ng trabaho sa restaurant industry. Ang isipin na makakaganti siya ng utang- na - loob sa kanilang ama ang naging batayan kung bakit mas ninais niyang sumali sa venture nina Seffie, Romaine at Mignon.
At the same time mararanasan ko rin ang magkaroon ng kapatid! Tumungga siyang muli ng Bailey's at nakitang naubos na pala niya ang unang bote kaya binuksan niya ang isa pa.
Sa panahon ng taglagas ay hindi madaling mamalayan ang oras; nanatili si Chrystalle sa kinaroroonan hanggang sa gumabi. Kinain niya ang baong sandwich at tinipid ang paglagok ng Baileys upang iyon ay tumagal. Ayaw pa niyang umuwi sa flat ng mga Brates dahil wala naman siyang daratnan doon. Nasa holiday ang mga ito sa Mallorca, Spain.
Subalit nang wala nang laman ang inuming kanyang pampainit ay minabuti na niyang tapusin ang kanyang picnic. Matapos tiklupin ang kanyang plaid na kumot at ilagay iyon sa woven- basket ay nagsimula siyang maglakad.
Noon niya naramdaman na siya ay lasing dahil umikot ang kanyang paningin at hindi niya mai- steady ang kanyang paglakad.
"...YOU CAN'T FOOL ME, DAD," tiim- bagang na pahayag ni Virgil Benitez sa ama. "Ayon sa aking source, your mistress came here in Paris two months ago to join you in your so - called business travel How old is she this time? Pabata nang pabata ang mga babae mo."
"When you reach my age, mauunawaan mo rin ako, tugon ni Arnaldo Benitez na nagtungo sa mini- bar upang magbuhos ng scotch whiskey sa isang baso at tinungga iyon. " Alam ko, kahit kailan ay hindi ka sasang-ayun kahit pa sabihin ko kong matagal na akong pinatawad ng mommy mo..We had a mutual agreement on this; inamin niyang hindi niya maibibigay ang nais ko dahil may sarili siyang career at condition niya na huwag ipaalam sa'yo. But you saw me with my secretary in a very____".
"Embarassing situation," pagtatapos niya sa pangungusap nito na nagsimula nang magtungo sa dako ng pinto. Nakahawak na siya ng seradura nang muli siyang tumingin dito. " But the thing that I coundn't understand, terminal na nga ang sakit ni Mommy at nariyan na ang prospect na magiging biyudo ka na, why couldn't you stop your philandering for a while and devote your time to her during hes last days?"
"We have grown apart, Virgil," derecho nitong sagot, "a long, long time ago..You have to understand that. I also have come to love my... other woman."
Walang salita ng paalam na lumabas siya ng hotel suite nito. Nasasaktan siya para sa kanyang ina, subalit hindi niya makuhang mamuhi nang ganoon na lamang sa ama.
Mabuti siyang ama- a very good provider.Imbis na tumawag ng taxi ay minabuti niya ang maglakad patungo sa Hyde Park kung saan kahit na ano pa ang rikit ng eksena ng mga electric light bulbs, ang mga anino ng puno sa lupa, at maging ang tubig sa lawa ng Serpentine ay hindi niya pansin ang mga iyon dahil malalim ang kanyang iniisip. Matagal na niyang na- appreciate ang ganda ng Paris dahil bata pa siya ay naipasyal na siya roon ng kanyang mga magulang. Naroon siya para sa isang business seminar sa mga sandaling panahon.
Masyado na sigurong inidolo ang ama kaya nang malaman niyang unfaithful ito sa kanyang ina ay na- disappoint siya nang husto.
I know I have to juat take Daddy's word and move on with life, malungkot niyang sabi sa sarili.
Naalala niya nang komprotahin ang ina kung alam ba nitong may ibang babae ang kanyang ama:
"I cannot blame him, Virgil," Mahinahon pa nitong saad, "hindi ko ginawa ang katungkulan ko bilang asawa. Mas inatupag ko ang aking career... I want to tell you, let go of your bitter feelings. Hindi magiging successful ang kahit na anong relasyon iyong pasukin hangga't hindi mo binibitawan ang bitterness sa iyong puso..."
Patuloy siyang naglakad hanggang sa makarating sa Haven Gardens patungo sa dako ng Bayswater Road. Ang kaisa- isang kapatid ng kanyang ina ay nakapag- asawa ng isang Briton at tumutuloy siya sa bahay ng mga ito. Nagbabakasyon ang mga ito sa Espana kaya solo niya ang maliit na flat ng mga ito na malapit sa Pimlico Station.
Saka niya napansin ang babaeng iyon na pasuray- suray na naglalakad.
Dahil malaki ang kanyang hakbang ay naabutan niya kaagad ito. Nang halos nasa likuran na siya nito ay narinig pa niyang ito ay kumakanta ng isang Tagalog na awitin.
"Magkasuyo buong gabi... masaya't magkatabi.... magkayakap sa buong magdamag..."
Hmmm. Pinay! naisip niya.
Lalampasan na sana niya ang babae, subalit sumuray ito nang makatapat niya at tuluyan siyang nabunggo. Kung hindi niya nahawakan ito kaagad ay tiyak sana itong bumagsak.
"Steady," aniyang tinanganan ito sa brasa at iniangkla ang kamay sa baywang nito.
"Oh... I am sorry," tugon nito na napangiti. " I drank... waaaay... too much!"
"What did you drink?" tugon niya habang inaalalayan ito.
"Bailey's... hmmm," tugon nito. "You smell nice... You also look good as gooseberry tart!"
"Saan ka nakatira"? Kinausap na niya ito sa wikang Pilipino.
"Oh, you don't speak English!" bulalas ng babae na may malawak na ngiti. Nang mga sandaling iyon ay nasa tapat sila ng posteng may ilaw at napagmasdang mabuti ni Virgil ang mukha nito.
She's taller than the average Pinay... She's quite stunning! Napakarikit ang oval na mukha ng babae na lahat ng mga features ay nasa proportion. Hindi pa niya mahusgahan ang mga mata dahil sa mga sandaling iyon ay halos nakapikit na ito sa antok at siya na mismo ang gumagabay rito sa paglakad.
Nakarating sila sa tarangkahan palabas ng parke at nagkataon pang pwede silang pumara ng taxi sa sonang iyon.
Ilang minuto lang ang kanilang ipinaghintay at nakasakay kaagad sila. Nang makaupo na sa loob ng taxi at tatanungin na sana niya ang babae kung saan ito nakatira ay ipinatong lang nito ang ulo sa kanyang balikat.
"St. George Square, please," aniya sa taxi driver.