Hindi pa rin mapakali si Eloise kahit nakahiga na siya sa kama. Bahagya nang humina ang ulan sa labas, pero sa dibdib niya, lalo lang lumala ang bagyo. Ramdam pa rin niya si Estevan sa balat niya—ang hininga nito sa kan'yang mga labi, at ang marahang haplos na halos nagpahulog na sa kan'ya.
Damn him.
It would’ve been so easy to let it happen. To forget the plan. To fall.
Pero hindi siya pumunta rito para maromansa. She was here for the truth. For revenge. For her stepsister.
Kung bakit ba kasi tila mas naaapektuhan pa siya sa mga binabalak niyang gawin para mahulog ang binata sa kan'ya?
She heaved a sigh. Kailangan niya ng tubig.
Tumayo siya at kinuha ang hotel-style na bathrobe na nakasabit sa pinto ng banyo, saka mahigpit na ibinalot ito sa suot niyang cotton shorts at hiniram na puting shirt.
Bahagya niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas.
Madilim ang mahaba at malawak na hallway. The vintage torch lights on the walls flickered softly, casting golden shadows against the cream wallpaper. Tahimik ang buong bahay at nakakabingi ang katahimikan na dulot nito.
Lumabas siya nang walang sapin sa paa, maingat ang bawat hakbang para walang kahit anong ingay na marinig. Pero hindi pa siya nakakalayo nang— "Can’t sleep?"
She turned too fast. “s**t—” The voice startled her—deep, calm, and far too familiar.
Nakasandal si Elias sa bintana sa may hallway, hawak ang isang basong kalahati ang laman—mukhang whisky. Nakalilis ang mga manggas nito at bukas ang kwelyo. He was just leaning there.
Her throat tightened. “I was just… getting some water.”
Itinaas nito ang isang kilay, saka ngumiti, parang may narinig itong nakakatawa mula sa kan'ya. “Of course.”
Hindi gumalaw si Eloise. Ayaw man niyang aminin ngunit nababagabag talaga siya sa presenya nito. At mukhang napansin iyon ni Elias sa paraan ng bahagyang pag-angat ng kan'yang mga labi.
"Relax," Elias said, swirling his drink. "I’m not going to bite. Unless you want me to."
The way he said it—half-joke and half-threat—made her skin quiver.
“I don’t,” she replied, her voice flat.
Mahinang napatawa si Elias, saka bumitaw sa pagkakasandal sa dingding at dahan-dahang lumapit sa kan'ya. Hindi nakakatakot ang kilos niya, pero malinaw na sinadya. Parang bawat hakbang ay isang pagsusuri—tinitingnan kung paano siya magre-react.
“Interesting,” he mused. “Most of Estevan’s girls would’ve giggled at that line.”
Eloise narrowed her eyes. Muntik na niyang iikot iyon. “Maybe I’m not like most girls.”
“Oh, I can tell,” Tumango ito nang bahagya bilang tugon. Pagkatapos ay huminto ito ilang talampakan mula sa kan'ya—sakto lang para masabing may distansya, pero masyado pa ring malapit kay Eloise. “You’re definitely… different.”
Pinagkrus niya ang mga barso sa dibdib at diretsong tumingin sa kaharap. “What do you want, Elias?”
Hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito. Alam niyang alam nito ang ginagawa niya—ang guluhin ang isipan niya.
He tilted his head. “Straight to the point. You’re refreshing, Eloise.”
She almost scoffed. "You barely know me."
“True,” he said, sipping his drink. “But I do know my brother. And you? You’re definitely not his type.”
Her jaw clenched. Ano ba’ng gustong mangyari ng lalaking ‘to? Tanong niya sa isipan.
“Estevan likes women who worship him. The quiet, submissive ones. Pretty ornaments on his arm. You? You talk back. You’re too curious. You don’t look at him the way his past girls did.”
Eloise forced a smile. “Maybe that’s why he likes me.”
“Maybe,” anito, pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. “Or maybe you’re just… useful right now.”
Gusto niyang matawa. But she tried to keep her face blank.
Kung alam mo lang...
"You're very good at playing your part," Elias continued. "Almost convincing. Pero may mali. I can’t put my finger on it yet... but I will."
Umatras siya ng isang hakbang, pilit na umaatras pabalik sa guest room.
Ngunit kaagad na sumunod si Elias, mabagal at sinasadya ang bawat paghakbang nito.
"I'm curious though," bulong ni Elias, ang boses ay humihina. "Do you really know what you're getting into? Being with a Foreman isn’t as glamorous as it looks, especially if you're just...pretending."
Nanigas ang kan'yang likod, at tumingin siya paitaas sa kan'ya, pinipilit patatagin ang tinig. "And what exactly are you pretending to be, Elias? The charming heir? The harmless brother?”
He smiled—slow and wicked. “Fair point.” Lumapit pa ito lalo, bahagyang inilapit ang ulo hanggang sa halos magtapat na ang kanilang mga mukha. “Tell me, Eloise. Are you scared of me?”
Hindi siya nagpatinag dito. She did everything she could just to match his cockiness. “Should I be?”
Nanatili ang tingin nito sa mukha niya, sandali itong bumaba sa mga labi niya bago muling bumalik sa mga mata. “That depends,” he murmured. “Do you have anything to hide?”
Napigil ang hininga niya, and for a second, it felt like the air thickened around them. Like the storm outside had followed her into the hallway. Pero tumanggi siyang magpakita ng kahinaan. Hindi sa harap ng lalaki.
“I think you’ve had enough to drink,” mahinahon niyang wika at dumaan sa gilid nito.
Pero pagdaan niya, bahagyang yumuko si Elias, at ang boses nito’y dumaan malapit sa kan'yang tainga. “Sleep well, Eloise. While you still can.”
She didn’t look back.
Pagkapasok niya sa kwarto, mabilis niyang isinara ang pinto at isinandal ang sarili roon, abot-abot ang pagtahip ng dibdib. Hindi niya alam kung dahil ba sa takot…o dahil galit na galit siya sa sarili.
Dahil sa ilang segundo, doon sa pasilyo na 'yon, muntikan na siyang kinain ng duda. Muntikan na siyang naniwalang alam na ni Elias ang lahat.
Or worse... he was enjoying the game more than she realized.