Eloise stared at her reflection in the mirror while brushing her hair. Mabigat ang kan'yang mga mata, at bahagyang namamaga ang mga labi—galing sa buong gabing pag-iisip at kakakagat sa mga iyon. Suot niya ang cream silk robe na may gold embroidery—maganda, mamahalin… pero hindi sapat para mapanatag ang dibdib niya.
She didn’t sleep much. Not after what Elias said.
“Sleep well, Eloise. While you still can.”
Napangiwi siya at mariing napapikit. She hated how that line replayed in her head like an unfinished verse.
Pagbaba niya, sinalubong siya ng amoy ng tinapay, itlog, at mamahaling brewed coffee. Isang housekeeper ang tumango sa kaniya nang may ngiti at tinuro ang direksyon ng breakfast room.
Malaki ang silid at maaliwalas. Maliwanag ang mga pader, kumikislap ang sahig sa sinag ng umagang araw, at ang mahabang dining table ay inayos para sa lima. May mga sariwa na bulaklak sa gitna nito. At nakabukas ang mga glass doors patungo sa garden balcony. Lahat ay tahimik. Masiyadong tahmik.
Kalaunay dumako ang paningin niya sa nag-iisang tao na naroon. Si Estevan.
Agad itong tumayo nang makita siya, may mainit na ngiti sa mga labi. Suot nito ang puting dress shirt na maayos na nakatuck-in sa gray na slacks, at ang mga manggas ay nakalilis hanggang sa mga siko. He looked like a man who belonged in the spotlight.
“Morning,” he greeted, approaching her.
“Morning,” she answered softly. “Too quiet upstairs.”
“I know. The storm’s gone,” anito, sabay dampi ng daliri para alisin ang hibla ng buhok sa kan'yang pisngi. Halos mapaurong siya sa haplos nito. “But you look like you didn’t sleep.”
Isang ngiti ang binigay niya rito, pilit at kontrolado. “The bed’s too soft. Hindi sanay.”
Ngumisi ito. “You’ll get used to it.”
Bago pa siya man makasagot, dumating ang ina ni Estevan. Maganda kahit sa umaga at regal, naka-silk blouse at may perlas sa leeg. Wala itong sinabi kundi isang halik sa pisngi ng anak at isang tingin kay Eloise—mata na tila binabasa siya sa isang iglap.
“Good morning, Eloise. I hope the room was comfortable,” she said with a gentle smile.
“Very much po, thank you,” sagot ni Eloise habang bahagyang yumuko.
Then came Estevan's father. Tahimik, hawak ang dyaryo at isang mainit na kape. Wala ring masyadong salita. Just a nod and then he took the seat at the head of the table.
Paupo na si Eloise sa tabi ni Estevan nang biglang may narinig siyang tunog ng gumagalaw na upuan.
“Morning,” Elias greeted, walking in like he owned the world. Magulo pa ang buhok, wala pang ayos, at bukas ang ilang butones ng polo niya.
Her stomach tightened.
“Elias,” sabi ng nanay nila. “You’re late.”
“I like making an entrance,” he said, his eyes darting at Eloise.
She resisted the urge to look away.
Umupo silang lahat kapagkuwan. Tahimik na pumasok ang mga staff, nagbuhos ng orange juice at isa-isang inilapag ang mga pagkain—itlog, salmon, toasted bread, jam, at butter. Lahat maganda. Lahat perpekto. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, ramdam ni Eloise ang tensyon.
“So,” bungad ng ina ni Estevan, unfolding her napkin with elegance, “Eloise, managing a café must require…stamina. Especially if you’re handling the numbers yourself.”
“Yes po” She politely smiled.
The older woman tilted her head slightly. “I imagine you don’t get many mornings off. Yet here you are. Some women do know how to prioritize...opportunities.”
Parang may kung ano sa tono nito. At tila may ibig sabihin sa huling sinabi, ngunit pilit itong winakli ni Eloise at ngumiti sa ginang.
“It’s a challenge po, but I’ve built systems,” Eloise replied, calm and careful. “And I trust my staff. They know how to run things when I’m away.”
“Mm,” the mother murmured. “Interesting. Yet somehow, you ended up here.”
Eloise blinked. “Sorry?”
“I mean,” the woman continued, smiling but not kindly, “it’s just…curious. That of all the people my son meets, it’s someone who knows exactly how words are used, twisted, and buried.”
Ramdam ni Eloise ang kamay ni Estevan na dahan-dahang pumasok sa ilalim ng mesa at hinawakan ang kamay niya. “Fate works oddly sometimes."
“Does it?” his mother asked. “Or do people simply place themselves where they want to be?” Tinapunan siya nito ng makahulugang sulyap.
"Mother..." ani Estevan na tila binabalaan ito.
Tahimik lamang si Eloise. Biglang naging parang bato ang toast sa plato niya. Bigla siyang nawalan ng gana dahil sa mga salitang binubuga ng ina ni Estevan.
Napangisi si Elias, saka sumandal sa upuan na parang nanonood lang ng isang live na palabas.
“And how long have you been together?” tanong ng ama, hindi tumitingin, busy pa rin sa binabasang dyaryo.
“Two months,” sagot ni Estevan.
“Three,” Eloise corrected with a slight tilt of her head.
Sumulyap si Estevan sa kan'ya, may bahagyang ngising naglalaro sa mga labi.. “Right. Three.”
Elias took a sip from his coffee, raising an eyebrow. “You must be very patient.”
Eloise looked up slowly. “Sorry?”
“I mean, being with my brother,” Elias said nonchalantly. “He’s not exactly...the easiest person to deal with.”
“Neither are you,” sabat ni Estevan, malamig ang boses.
Their father cleared his throat.
Elias just smiled. “True. But at least I don’t pretend otherwise.”
Ibinaba ni Eloise muli ang tingin sa kan'yang plato, kunwaring kalmado habang pinapahiran ng butter ang toast. Pero ramdam niya ang kamay ni Estevan sa ilalim ng mesa—unti-unting humihigpit ang hawak na tila mas kailangan nitong kumalma kaysa sa kan’ya.
Don’t react. Don’t let him win.
“Elias,” sabing mariin ng kanilang ina.
“What?” anito na parang inosente, pero halatang pakunwari lang. “I’m just saying it’s impressive. Eloise seems...grounded. Most of your girlfriends didn’t last a week here.”
Tumiim ang bagang ni Eloise, at itinaas ang tingin. “I’m not like most girls.”
“Oh, we know,” Elias replied, his gaze was sharp. “You’re…different.” TMay bahid ng panunuya sa tono ng boses nito, na para bang sinasadya siyang udyukan.
Tumahimik ulit ang paligid. Wala ni isang kalansing ng kubyertos ang maririnig.
Then Estevan stood and glanced at her. “Let’s go. We’ll eat in the garden.” He pulled her up and held her hand.
Hindi na umimik si Eloise at sumunod sa binata. Nang maisara ang glass doors sa likod nila, saka pa lang siya huminga nang maluwag.
Hindi nito binitiwan ang kamay ni Eloise hanggang sa marating nila ang mga hakbang papuntang hardin. Kumikislap pa rin ang damo sa hamog ng umaga, at ang hangin ay amoy araw at basang bato.
“I’m sorry,” Estevan muttered.
“For what?”
“For my mother and Elias.”
Saglit siyang tumahimik, pagkatapos ay tinapunan niya ito ng tingin. “Is this normal? Ganito ba palagi ang mga agahan ninyo?”
He let out a dry chuckle. “Only when Elias wants to provoke me.”
Naglakad pa sila nang kaunti papasok sa hardin, sa pagitan ng mga maayos na pafgkagupit na palumpong at mga batong upuan.
“Did you and Elias talk last night?” tanong ni Estevan at tumigil.
Eloise paused. “Yeah, no’ng bababa sana ako para uminom ng tubig.”
Hindi nakatakas sa mga mata niya ang pagdilim ng mga mata ng lalaki.
“What did he tell you?”
She shrugged her shoulders. “Nothing new. Just that I don’t belong here.”
“You do,” he said, turning to her. “You’re with me now.”
Saglit siyang natigilan. What did that even mean? A claim? A warning? A threat? Hindi niya alam.
Napakurap siya habang nakatitig kay Estevan, at sa isang iglap, gusto niyang tumawa. Because if only he knew.
You don’t get to say that. Not when I’m lying to you. Not when I’m still shaking from what your brother just said. She wanted to spit those words at him.
Pero hindi bumuka ang kanyang bibig. Ni hindi gumalaw ang kanyang paghinga. Sa halip, ngumiti siya—isang matamis na ngiti.
“Right,” she murmured. “I'm with you.”