NAKAPAGBIHIS na ng uniporme niya si Almira nang muling tumawag sa kaniya si Brad para sabihing nasa Visperas Hotel na ito. Tumanggi nga lang siyang makita ito agad dahil kailangan na niyang magtrabaho. “Kahit gaano pa kita gusto makita ay hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko,” dahilan niya. Ang lakas ng tawa ni Brad sa kabilang linya. “So serious. But that’s one of your adorable traits, Almira. Then, hihintayin na lang kita sa hotel resto. Come to me whenever you want. Maghihintay ako.” Tuloy ay hindi siya nakapag-concentrate ng husto sa trabaho. Palagi kasi siyang napapatingin sa wristwatch niya at napapaisip kung naroon pa ba talaga si Brad gaya ng ipinangako nito sa kaniya. Pagsapit ng break time ni Almira ay hindi na siya nakatiis. Mabilis siyang nagpunta sa restaurant na matata

