Chapter 1
“Don’t act like you did nothing, woman. Milyon ang ini-scam mo sa kumpanya ko and worst pati mga empleyado ko, inutangan mo pa! I'm just wondering where you used the money you scammed from me.” Akusa sa kanya ng lalaki na hindi niya naman kilala. Kahit sa panaginip niya ni hindi man lang sumasagi ang imahe nito kaya hindi niya matanggap na puro akusasyon ang mga sinasabi nito sa kanya simula ng gambalain nito ang paghahanap buhay niya.
Masakit kung makatitig sa kanya ang lalaki, kahit ang mga lalaking nasa likuran nito ay ganun rin. Parang hindi nila alam kung paano maging masaya dahil sa aura ng mga ito. Parang kagagaling lang din ng lamay dahil sa suot ng mga ito.
Ibinaba niya ang walis tingting na hawak at iginilid niya rin ang grass scissors dahil baka biglang dumilim ang kanyang paningin at magunting niya ng wala sa oras ang lalaking kaharap niya!
“Mister…” hindi niya naituloy ang sasabihin ng maalala na hindi niya naman pala kilala ang lalaking ito!
Patay malisya siyang ngumisi saka umubo.
“Una sa lahat, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo sa akin! Pwede kitang kasuhan dahil sa mga akusasyon mo sa akin. Pangalawa, maraming Janiyah Hermoso sa buong mundo, hindi lang ako ang may pangalan ng ganun kaya itigil mo ‘yang mga akusasyon mo! Pangatlo, hindi ako marunong mangutang. Pang-apat, allergy ako sa utang kaya imposible na ako ‘yang tinutukoy mo! Last–naghahanap buhay ako ng marangal para matustusan ang mga gastusin at pangangailangan ko sa aking buhay. Kahit mahirap lang ako at kahit mag kayod kalabaw pa ako, hindi ko magagawang mangutang sa'yo at sa kumpanyang sinasabi mo! Baliw ka yata eh!” Litanya niya saka dinampot ang gunting pandamo.
Ang buong akala niya, masisindak sa kanya ang lalaki ng tingnan niya ito ng nakakamatay na tingin pero nagkakamali siya dahil ng ibalik nito sa kanya ang ginawa niyang paninitig, bigla na lang siyang napalunok at humigpit ang pagkakahawak niya sa bagay na nasa kamay niya.
“I don't have time to joke with you, woman. You'll need to pay me by being my maid in my territory. Total mukhang magaling ka naman sa paglilinis, why don't you just do that job at my house?”
Biglang naningkit ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi nito!
Hindi siya nag-aral ng kolehiyo at nagtapos ng kursong landscape para lang maliitin siya ng lalaking ito! Nag aral siya at kumayod para matustusan ang pag-aaral niya para sa huli, masuklian niya ang lahat ng hirap na dinanas niya at higit sa lahat, maibalik niya sa kanyang Papa ang mga ipinuhunan nito sa kanyang pag-aaral.
Pero ito namang lalaking kaharap niya na tila walang pakialam sa mundo, hindi niya alam kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para magsabi sa kanya ng ganun lang kadali.
Anong akala nito sa kanya, isang hayop na pagkatapos bigyan ng makakain ay mapapaamo agad? Tang ina, hindi siya ganun, at mas lalong hindi siya hayop para maging sunod-sunuran sa lalaking hindi niya naman kilala!
“Alam mo, ang lakas rin ng apog mo na sabihan ako ng ganyan na akala mo naman buong buhay ko ay ikaw ang nag sustento sa mga pangangailangan ko.” Umismid siya na para bang hindi makapaniwala na nag mamatapang siya sa taong hindi niya naman kilala. “Sinasayang mo ang oras ko! Naghahanap buhay yung tao, gagambalain mo. Baka nagkakamali ka lang at napagkamalan mo lang na ako ang nang scam sa'yo?” Mataray niyang dugtong saka dinampot ang walis tingting.
Narinig niya kung paano umungot ang isang lalaki na nakatayo malapit sa drivers seat ng range rover na sasakyan.
Tiningnan niya ito mula sa paa paakyat hanggang ulo saka tinapunan ng nakakapilyang tingin.
“Mga kampon ni Judas!” Bulong niya saka nilampasan ang lalaki.
Pero…hanggang dalawang hakbang lang ang nagawa niya dahil kusa siyang hinarangan ng dalawang lalaki na halos malapit lang din sa lalaking nakakausap niya.
Kabado siyang napahawak ng mahigpit sa gunting pandamo na hawak niya.
“Huwag kayong magkakamali na hawakan ako dahil hindi ako natatakot sa inyo! Kayang-kaya ko kayong guntingin nito,” sabay angat ng hawak niyang gunting pandamo. “pugot yang ulo niyo, mga Kuya…” Banta niya at pigil na pigil ang sarili na hindi manginig ang boses dahil nakikita niya na nakahawak na ang mga ito sa mga baril na nakasukbit lang sa bawat tagiliran ng mga ito.
“At mas gugustuhin mo pang makulong kesa sa maging maid sa bahay ko?” Biglang sabat ng lalaking kausap niya kanina.
Sumiring ang mga mata niya ng humarap ito sa kanya.
Nakapamulsa ito sa suot nitong maong pants. Nakapolo shirt ito at naka-shade ng kulay itim rason para hindi niya mahusgahan ang itsura nito. Pero base naman sa postura at appeal nito, halatadong mayaman at mayabang!
Kaagad siyang umiwas ng paningin but when her eyes fell on another man in front, a bit smirk formed on the man's face.
“Tropa ng tatay ko ang mga pulis dito sa amin kaya kahit ipakulong mo ako ngayon, magagawan ng paraan ni papa na palabasin ako. At staka inosente ako!” Pagmamatapang pa niya.
Tumiltik ang lalaki saka humakbang palapit sa kanya. And by that, parang awtomatikong nahigit niya ang kanyang hininga dahil sa presensya ng lalaki.
Inikom niya ang kanyang labi habang pinipilit ang sarili na huwag itong sipain sa bayag para lang makatakas sa nakakamatay nitong presensya.
They were a hand's breadth apart when the man stopped. His mint breath was the reason why she closed her eyes and let herself inhale.
“Admit it. You love it when I get like this.” His husky but deep voice, makes her eyes open. Napatigalgal siya. Sa salamin siya ng lalaki nakatingin kaya kitang-kita niya kung ano ang itsura niya ngayon!
“And take this note, woman. If you're gonna be as hard-headed as you are now, I will ruin you.” May diin sa boses ng pagbabanta nito.
At sa sandaling iyon, tila nawalan siya ng lakas para makapagsalita dahil sa tinig pa lang nito, halatadong ubos na ang pasensya nito sa kanya.
"You're going to be my maid, whether you like it or not! You're going to work off the debt you owe me, Janiyah Hermoso. You scammed me, and now you'll pay me back–by serving as my maid." Sabi pa nito bago dumistansya sa pagitan nila.
“And by the way, keep pretending that you don't know what you did five years ago because I'll keep proving that you are the woman who fúcking scammed me!” Banta ulit nito sa kanya bago siya hawakan ng mga lalaki para dalhin sa sasakyan na kanina pang nakaabang sa gilid niya.