[SABRINA LEGASPI]
Hindi talaga ako maka-move on sa nakita ko. Hinalikan ni Vannezza si Neil. Ang kapal-kapal ng mukha niya para gawin ‘yon! Ang landi-landi niya! May boyfriend na siya tapos hahalikan niya si Neil? Hindi niya ba alam na hirap na hirap na ‘yung tao sa pagmomove-on?
At alam kong aware si Vanne na mahal pa rin siya si Neil. ‘Yung mag-jowa talaga na ‘yon ay hindi masaya hangga’t hindi nila nasasaktan si Neil!
Naiwan ako mag-isa sa bahay ni Neil dahil nga busy siya sa company nila. Dahil naiinip ako ay naisipan ko na lang na mag-linis ng buong bahay at siyempre dahil nga madaming arte ‘yung si Vannezza, hindi na nakapagtataka kung marumi din siya. Pakalat-kalat ang mga gamit at mga damit niya sarap tuloy sunugin. Sarap niya tuloy sakalin gamit netong manipis niyang damit.
Tanda ko pa paano niya akitin si Neil!
Sabi nga ni Neil masarap ako, so I bet mas gusto pa rin ako ni Neil na inaababaw.
After kong naglinis ay naligo na ako. Binalak ko na dalhan na lang ng lunch si Neil. Nagluto ako ng kalderetang baka. Ito ‘yung specialty na natutunan ko kay tita Sally, kapatid ni Mama Salvia, ang nag-adopt sa akin.
Anyway, binilhan ako ng cellphone ni Neil para daw macontact ko siya kaya ngayon habang naghahanap ng tupperware ay tinatawagan ko ang numero niya.
“Yes? Miss me?” bungad niya kaagad na nagpangiti sa akin.
“Dadalhan sana kitang lunch,” sambit ko at sumandok ng ulam na niluto ko.
“Right! Gutom na ako. Dadalhan kita ng driver diyan,” sabi niya sa kabilang linya.
“Okay po! Ano pang gusto mo bukod sa kanin at ulam?” magiliw na tanong ko at binalot ang mga tupperware na may lamang pagkain.
“Dessery sana.”
“Anong gusto mo?” Para madaanan namin mamaya ng driver.
“Ikaw, tinatanong pa ba ‘yan? Dessert kita.”
Napaubo ako ng wala sa oras sa dahil sa kanyang sinabi.
“Baliw!” ilang kong tugon at pinatayan na ng tawag si Neil. Bakit ganito? Naiilang ako kapag nilalandi niya ako? Samantalang nag-s*x na kami ng ilang rounds!
Inayos ko na ang dadalhin ko at pati na rin juice ay ginawan ko na siya bago ko narinig ‘yung busina ng kotse na magsusundo sa ‘kin. Nag-lock ako ng buong bahay at lumabas sa gate.
“Good afternoon, ma’am,” bati ng driver. Malayo ‘yung nararamdaman ko sa kanya kaysa doon kay Franco kaya feeling ko ay mabait siya.
“Good aftie!” kaswal kong bating pabalik.
Sumakay na ako sa back seat at huminga ng malalim. Bumaling ako phone ko nang tumunog ito.
From: Neil
—I miss you already. See yah!
Hala siya! Nababaliw na talaga si Neil? Bakit ang sweet niya, huh? At saka kakakita lang namin kaninang umaga, miss agad ako? 'Tong taong ‘to.
“Uy, si ma’am kinikilig,” pang-aasar ng driver.
“Huh? Hindi ah,” tanggi ko dahil ang totoo ay napansin ko rin ang mukha ko na nakangiti sa rearview mirror. Jeez! Si Neil kasi eh!
“Nandito na po tayo,” he announced after 5 minutes of travel. Ngumiti ako nagpasalamat bago pumasok sa SHC II building.
May mga tao na naglulupong-lupong habang tinitingnan ako.
“Hindi ba siya ‘yung nagnakaw nung kwintas ni Sir?” dinig kong bulong isang babaeng empleyado na nagpayuko sa akin.
“Oo nga. Ang baduy niya oh. Girlfriend daw siya ni Sir, totoo ba? Kapal ng mukha.”
Ako? Baduy? Si Neil kaya ‘yung namili ng suot ko! Edi baduy ang taste niya, kung ganun?
“Ewan. Girlfriend tapos magnanakaw? Ninakawan ang sariling jowa?”
“Ang kapal ng mukha niyang magpakita rito halata namang piniperahan lang niya si Sir.”
“Hindi man si Sir ang CEO pero mayaman din siya at gwapo. Malamang ginagamit lang ng babaeng ‘yan si Sir. Tingnan niyo naman ang hitsura.”
Halos takbuhin ko na papasok sa elevator dahil hindi ko nakakaya ang naririnig ko. I just found myself crying. Wala akong pakialam sa kanila basta’t si Neil naniniwala siya na hindi ko magagawang nakawin ang mga gamit niya.
Pagpasok ko sa office ay tumakbo kaagad ako kay Neil at niyakap siya ng sobrang higpit.
“What happened?” alalang tanong niya habang hinahaplos ang likod ko. “Why are you crying? May nang-away sa ‘yo? Who? Tell me.”
“Binabatikos nila ako na ninakawan kita,” paghikbi ko at ipinatong ang pisngi ko sa balikat niya. “Ang sama na ng tingin nila sa akin. Neil, hindi naman ako ganun e,” nakangusong pag-iyak ko. “Tapos kapal pa raw ng mukha kong pumunta rito. Sa tingin nila nilalait nila ako.”
“Don’t mind them. Hindi naman sila ‘yung nakakakilala sa ‘yo. Hayaan mo lang sila at magsasawa din sila. Basta’t alam mo sa sarili mo na hindi ka magnanakaw,” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako hinalikan sa labi. “Saan na ‘yung pagkain ko?”
“Ito!” inilahad ko sa kanya ang dala ko. Nawala kaagad ang lungkot ko dahil sa pagpapagaan ni Neil.
“Nice one! I’m excited to taste it.” Hinila niya ako papunta sa sofa at tinabihan ako. “Kumain ka na?”
“Oo. Panonoorin kita kumain,” sabi ko at inilagay ang mga wrist ko sa baba ko.
“Ikaw dessert ko ah?” kaswal niyang sabi. Hinampas ko ang kanyang hita.
“Dessert ka diyan,” naiilang kong tugon at sumandal sa sofa.
“I’m serious,” bulong niya at hinaplos ang hita ko. Umangat pa naman ang suot ko kaya pati ang medyo chubby ko na legs ay lumitaw.
“Huy! Nandito tayo sa office mo,” nakikiliti kong sabi at tinanggal ang kamay niya sa hita ko.
“So what?” malanding tugon niya at dinambahan ako habang hinahaplos niya muli ang hita ko paakyat hanggang singit ko.
“Kumain ka na,” hindi mapigilang ilang kong sabi at nag-iwas ng tingin.
“No. I changed my mind. I want you to be my lunch.”
Napahawak ako sa braso niya nang himasin niya ang kaliwang dibdib ko habang hinahalikan ang mga labi ko. Ito na naman siya, binabaliw naman ako.
“Ugh… Neil,” I moaned when his lips reached my neck.
“One round lang, Sab,” pakiusap niya at ipinahiga ako sa sofa. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siyang baliwin ako sa office niya.
Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot niya pagkatapos naman ay pilit niyang hinihila ang cycling na suot ko.
“Kinakabahan ako. Baka may makakita sa atin,” nag-aalala kong sambit pero imbis na sagutin niya ako ay hinalikan niya lang muli ako na parang nagsasabi na wala siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Bahala na. Nagtitiwala ako kay Neil.
I bit my lower lip when he touched my flower down there. He starts to rub it to make me wet. Hinuli ko ang mukha niya para siilan siya ng halik but the pleasure is more powerful that made me separate from his lips and moaned instead.
I reached his zipper and I could open it but he was distracting me by f*****g me using his long and hard fingers.
“Oh no,” I groaned. He smiled and kissed me again in my lips while thrusting his two fingers inside me fastly. Nasasaktan pa rin ako but that's what Neil wants and I can't break his lust and desire. I should let him do whatever he wants to me because my body is owned by him right now.
Matapos nang may mangyari sa amin ay inayos na namin ang aming sarili at sinabayan ko si Neil na kumain sa kanyang lunch.
Real lunch!
“Sarap nito,” aniya at tumatawa ng mahina, nang-aasar dahil alam niyang hiyang-hiya ako sa nangyari.
“Neil, hindi na natin uulitin dito ‘to!”
“Oo na,” napipilitan niyang sagot. “May dumi ka sa bibig. Dumi mong kumain.” Kumuha siya ng tissue. Akala ko ay pupunasan niya ang bibig ko pero ‘yun na lang ang gulat ko nang dilaan niya ang labi at ang gilid ng labi ko.
“NEIL!”
“What?” Doon niya pa lang pinunasan ang bibig ko after niyang dinila. “Sayang ‘yun! Huwag sayangin ang pagkain.”
“Aysus kang lalaki ka!”
[VANNEZZA AMARI AGONCILLO]
“Tita,” bungad ko pagkasagot ni Tita Carol, mother of Zach, sa tawag ko. I wanted to report something to her.
“Ano ‘yung nababalitaan ko sa SHC II na may nakawan na nagaganap?” she’s mad based on her voice. Mukhang napunta na sa kanila ang balita kahit na nasa ibang bansa sila. Ganun nga naman kalupit ang inuutos ko para masiraan ang babaeng ‘yon.
Ngumiti ako ng malapad. “Yep. That’s true. May nakawan na naganap and guess kung sino?”
“Is that true, ija, na may kasamang babae si Arneil diyan?” she asked again. Nababatid kong nababadtrip siya sa kanyang nalalaman.
“Yes, tita! At ang babaeng ‘yon she tried to stole Zach’s necklace! Imagine, iniwan siya ni Zach sa office. Tapos nanakawin niya lang mga things ni Zach? She’s shameless! That necklace was owned by lola.”
“Walang hiya ‘yang babaeng ‘yan! Ang kapal ng mukha niya! Uuwi kami riyan at gusto ko siyang makita!”
“Yes, Tita. We will wait for you.” I’m excited about what Tita Carol will do to that witch.
“Bantayan mo ang galaw ng babaeng ‘yan.”
“Yes, tita. Makakaasa ka.”
“Vannezza, ikaw lang ang gusto ko para sa anak ko.” I rolled my eyes as I smirked.
“I know po, tita.”
“May meeting pa kami. Bye! Thank you for updating me. Hindi ako makakapayag na magkaroon ng karelasyon si Arneil hangga’t hindi kayo nagbabalikan.”
Binitiwan ko ang tawag at napatitig sa phone habang nakangisi na puno ng tagumpay. Lagot ka, Sabrina. Tapos na ang maliligayang araw mo kasama si Zach. Mother na niya ang kikilos para walisin ka paalis.
The next thing I do, sinasagot ko na ang tawag ni Mom.
“Kumusta kayo ni Denzel?”
Napangisi ako sa kanyang itinanong. Si Denzel ang itinanong not me, huh?
“He is boring.”
People think that I love that man? No. I love Zach. Siya lang ang mamahalin at seseryosohin ko. Kung hindi ko lang mahal ang pamilya ko ay hindi ko papatulan si Denzel.
Bakit kasi hindi na lang si Zach ang ginawang CEO sa big company nila? Edi sana sa kanya na lang ako ipapakasal. Argh. This is so ridiculous.
Ito namang Denzel na ‘to masyadong pinipilit ang sarili sa akin kahit alam niyang hindi ko naman siya mahal. It was all fake actions. He can get my body but not my heart.
“Anak, magtiis ka muna. Kailangan natin ng tulong from Gomez’s kundi babagsak ang company natin at pupulutin tayo sa ilalim ng bridge. Ayaw mo naman ‘yon, right?”
“Of course, mom. Pero kapag napakinabangan ko na si Denzel ay babalikan ko na si Zach. Mom, pinag-aagawan na siya ng mga babae! Hindi ko kayang maagaw siya! Argh!” Itinadyak ko ang mga heels ko sa tiles.
“I know, baby girl. We will help you to Zach. Sayang din ang limang taon niyong pagsasama. Magtiis ka muna, okay? Magbubunga din lahat ng sakripisyo mo for us.”
“I know, mom.”
“Just be a good girlfriend to Denzel, okay? Since nakuha mo naman ang loob ng lahat diyan.”
“Okay.”
Binaba ko na ang tawag at isinandal ang ulo sa swivel chair. Hinawakan ko ang pangalan ni Denzel na nasa table.
Nakapagtataka lang na mas pinaniniwalaan nina Tito Zitor si Denzel samantalang pamangkin lang nila ito. Zach is good at handling companies and I can witness that. Marunong din siyang maghigop ng mga investors kaysa kay Denzel na nakaupo lang at nagpapapogi.
May favoritism ang mag-asawang ‘yon. Kawawa naman ang unico ijo nila.
“Hi, babe,” napaayos ako ng upo nang dumating si Denzel. May dala siyang food. “Oh, ayan. Nagawa ko na ang gusto mo. Ipinakalat ko na sa buong building na nagnakaw ‘yung si Sabrina.”
Good. Ang dali niya talagang magamit.
Mahirap lang talagang kalabanin si Zach dahil alam niya kaagad na ako ang nagpasimuno. Whatever na lang. Hindi naman ako kayang gantihan ni Zach dahil mahal niya pa rin ako.
“Thank you, babe!” I hugged him.
“Babe, last mo na ‘yan. Magagalit sa ‘yo ‘yung pinsan ko. Nagiging saltik pa naman ‘yon kapag nagagalit. Ayokong magkaroon na naman ng problema doon kay Zach.”
“No. Ininsulto ako ng babaeng ‘yon kaya hindi ko siya tatantanan. Ibabalik ko siya kung saan siya napulot ni Zach.” Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Sa lahat ng mga babaeng pinahirapan ko na inuwi ni Zach, ang babaeng ‘yon ang kauna-unahang sumagot-sagot sa akin kaya hindi ko matanggap.
“Okay fine. I’ll support your plans.”