CHAPTER 18

2292 Words
[THIRD PERSON] “Na-i-stress ako riyan kay Arneil kung anong pasakit na ang dinadala niya sa pamilya natin. I just can’t believe that he let that woman enter our company building kahit na ninakawan na siya nito!” pagalit na sambit ni Mrs. Gomez habang palakad-lakad sa kanyang pwesto. Nag-iinit ang kanyang ulo at nabahala simula n’ong isinumbong ni Vannezza ang tungkol kay Sabrina sa kanya. Ayaw na ayaw niyang may dinadalang mga babae si Zachne lalo na’t hindi naman mayayaman ang dinadali nito. Ang nais nilang mga babae para sa anak nila ay mga modelo, mga artista, o mayayaman katulad na lang ni Vannezza. “That’s why I let him have that company for a while. He deserved it. Siya naman din ang mawawalan at hindi tayo. Hayaan mo na siya,” kalmadong tugon ni Mr. Gomez habang nagbabasa ng mga report sa kanyang laptop. “Matigas ulo e, hirap palambutin. Kaysa ma-stress e hayaan niyo na lang siya.” “No! I can’t let that brat do everything he wanted to do. The last time na nalaman ko ay pumunta siya sa club at nagsayang ng twenty million just have that girl na ninakawan siya. I can’t believe him! Paano niya nagagawa ang pagsasayang ng pera? Akala niya ba nagbubunot lang tayo ng pera sa buhok natin? And he looks so desperate! Para lang makalimot siya sa ex niya ay bumibili siya ng babae? He is not Gomez the way he acts!” Gustong sumigaw sa inis ni Mrs. Gomez sa kanilang anak pero wala siyang magawa para pigilan siya. “Are you suggesting that I should lock his cards?” tanong ni Mr. Gomez habang umiinom ng kanyang tsaa. “Dapat ba? Hangga’t hindi nauubos ang pera ni Arneil ay hindi siya titigil sa panggagastos.” “Just give him a chance, darling. Mabuti nga’t napasakamay ni Denzel ang kumpanya na dapat sa kanya kaya hayaan na lang natin siyang gumastos. Alam mo na matalino si Zach. Si Denzel kaya nating manduhin sa mga income ng kumpanya pero kapag si Zach alam mong sasarilihin niya ang mga pera niya.” Inayos ni Mr. Gomez ang glass hour niya sa kanyang table. “Fine! I understand, pero kapag sobra-sobra na siya ay puputulan ko ng koneksyon ang mga bank accounts niya. May karapatan akong putulin ‘yon. Kung ikaw hindi mo matiis ang anak mo, ako hindi!” sakit na ulong pahayag ni Mrs. Gomez. “Darling, hayaan mo na si Zach. Matanda na ‘yon,” ani Mr. Gomez at inilagay ang kanyang relo na galing pa sa nanay ni Zachne ngunit hindi alam ng kanyang asawa na galing ito sa kanya. “Anyway, ilang years ang contract ng marriage nina Denzel and Vannezza?” tanong ni Mrs. Gomez. “Two years,” sagot ng asawa nito. “At hindi na matutuloy ang arrangement ng pagpapakasal ni Zach kay Corazon. Halata namang gumagawa siya ng paraan para takasan ‘yon. Corazon's family are involved in illegal actions kaya hindi na tayo pwedeng makipagsapalaran pa sa kanila.” “Paano kaya kung si Arneil na lang ang ipakasal natin sa kanya?” “Kay Vannezza? Her parents won’t like it. CEO si Denzel sa SHC,” pag-iling ni Mr. Gomez. “Magiging owner din naman si Arneil sa kabilang kumpanya natin sa Tagaytay ah?” “Ask him kung gusto niyang magpakasal kay Vannezza, pero masasaktan si Denzel. Hindi ko kayang makitang masaktan ang batang ‘yon sa pag-ibig,” napapailing na sambit ni Mr. Gomez. Mahalaga si Denzel sa kanya sobra maski katiting na sugat ay ayaw niyang magkaroon si Denzel. Kahit hindi niya sabihin ay mas paborito pa niya si Denzel kaysa sa anak niyang si Zachne. “Vannezza doesn’t love Denzel.” Iniikot ni Mr. Gomez ang kanyang swivel chair paharap sa asawa niya. “Look, darling, kung sino ang gustong pakasalan ni Denzel wala na tayong magagawa. Besides, halatang nanggagamit lang si Vannezza dahil pabagsak na ang kumpanya ng mga Agoncillo at kailangan nila ng tulong natin para umangat sila. Naka’y Denzel ang desisyon.” “Kaya nga ipapakasal na lang natin si Arneil kay Vannezza dahil nagmamahalan naman silang dalawa. We can still help her. Anak natin si Arneil, have you forgotten?” nakakrus na braso nitong tanong habang nakataas ang mga kilay. “Yeah. Oo nga pala.” Napangisi si Mrs. Gomez sa kanyang sinabi. “Masyado mo nang minahal si Denzel,” umiiling na sambit ni Mrs. Gomez. “Kawawang Arneil.” “Bakit hindi?” makahulugang tanong ni Mr. Gomez habang nagbabasa na ng libro. “Denzel is like my world. He is my everything.” [SABRINA LEGASPI] “Ano na naman ‘tong pakulo mo?” natatawa kong tanong. Nakapiring ang mga mata ko tapos pinalalakad ako sa malawak na lugar ni Neil. Sabi niya at may surprise daw siya sa akin. Umakyat pa kami sa napakataas gamit ng elevator. Naririto kami sa kumpanya niya at gabi na pero hindi pa rin kami umuuwi. Nito kasing mga nagdaang linggo ay busy na busy siya as in ni landian wala kami kaya bumabawi siya ngayon sa akin at ito namang lola ninyo ay kilig na kilig. Sa mga nagdaang araw biglang nanahimik ang mag-jowa. Ni hindi na kami inaasar na dalawa ni Neil. And ako? Ulit-ulit lang ginagawa ko. Naglilinis ng bahay tapos nilulutuan ng pagkain si Neil, pinagpaplantsa at inaayos ang gamit niya na para bang mag-asawa kami. “Are you ready, Sabrina?” tanong niya at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko. “Excited ako, Neil!” kahit na nakikiliti ako ay hinawakan ko lang ang kamay niya. “Ito na.” Dahan-dahan niyang tinatanggal ang piring sa mata ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ipinakita niya dahil sa ganda ng pagkakadesign niya sa buong lugar. Hindi ko alam na nasa rooftop kami tapos may mga lights sa ibabaw. Mayroon ding table sa gitna and then merong isang tent na malaki-laki. May mga flowers sa bawat sulok tapos may speaker. Mayroon pa ngang petals sa may tent. “Wow!” manghang reaksyon ko. “Do you like it?” niyakap niya ako patalikod. “Matutulog tayo dito. Ayokong umuwi dahil nandoon ang dalawa,” dugtong niya. “Ang ganda! Thank you dito, Neil!” isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya. “No. Thank you for staying by my side, Sabrina. Thank you for waiting for me kahit nawawalan ako ng time sa ‘yo.” “Ano ka ba? Wala ‘yun ‘no! At saka nandito ako to satisfy you kapag gusto mo ng ano…‘di ba? Ganun naman talaga trabaho ko, so no need to explain.” “No! Hindi ka lang bed warmer. I don't see you like that, Sab. You're special to me.” Bigla akong nabingi sa lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya habang nakatitig sa asul niyang mata na kumikinang dahil sa mga lights. Special ako sa kanya? At hindi lang bed warmer 'yung tingin niya sa akin? “So, sana naman effective itong pambawi ko sa ‘yo. Since wala akong time sa ‘yo, sana mabawi ko ngayon,” he hugged me from the back, kissing my neck, my earlobe and my cheek. “Oo naman, Neil. Thank you dito. First time kong makatanggap ng ganitong surprise,” honest kong sagot at kinuha pa ang isang petal. Ang cute-cute! Tapos ang romantic pa. ‘Yung kilig ko kanina ay mas dumoble pa. “Let’s eat,” hinawakan niya ang kamay ko at pinanghila ng upuan. Ipinaupo ako roon. Kataka-taka na hindi siya kaagad umupo sa pwesto niya, iyon pala ay may kinuha siya sa loob ng tent ng isang bouquet. Napatakip ako ng bibig sa gulat. “Thank you!” napatayo ako nang inilahad niya ‘yon sa akin. “Thank you! Ang bango!” sambit ko habang inaamoy ang bulaklak. “Not only that. I want to give this necklace to you,” kinuha niya ang kwintas sa bulsa niya, iyong kwintas na nasa office niya, ‘yong galing sa lola niya. “Huh? Bakit mo binibigay sa akin? Baka akalain nila na ninakaw ko talaga ‘yan.” Dahil sa kwintas na ‘yan hanggang ngayon ay kinaiinisan ako ng mga empleyado ni Neil. Sus! Wala akong pakialam sa inyo! Si Neil nga na owner pinaniniwalaan ako ih. I don't care about you all! Magsama kayo nina Vannezzang panget! “No. I want you to wear this. Huwag mong iwawala, huh?” Hindi ako nakasagot nang pumunta siya sa likuran ko at isinuot ang necklace sa akin. Napalunok ako at hinawakan ang pendant nito. Letter N kasi. “Bakit mo binibigay sa akin ‘to?” takang tanong ko. Alam kong mahalaga ito sa kanya at ayoko namang mapunta lang ang mahalagang bagay na ‘to sa tulad ko. “Because you were the second person that made me feel special. I said, you are also special to me now, Sabrina. If you ask me, I don’t want you to be far from my side.” After niyang inilagay ang necklace ay niyakap niya ulit ako patalikod. Hinawakan niya ang pendant. “N stands for Neilandrea, name ni lola ko. Dito rin pala nanggaling ang Neil kong pangalan kaya binigay niya ‘to sa akin. Sinabihan niya pa nga ako na ako ang pinakapaborito niyang apo sa lahat.” “Ahhhh…bait siguro ng lola mo,” sambit ko. “Pero, Siyempre, Neil. Mabait ka sa akin kaya mabait din ako sa ‘yo. Special ka rin sa akin.” “Sabrina, we only have one and a half weeks left here in Tagaytay and I want to spend my time with you,” he kissed my cheek and the side of my neck. Ang sweet ng taong ‘to nakakakilig! “Pero magkasama pa rin tayo, ‘di ba?” “Yes.” “Personal Assistant, kamo. Kasi kung hindi mo ako bibigyan ng trabaho wala akong choice kundi bumalik sa club,” ngumuso ako at pinaglaruan ang kanyang malalaki at mahahabang daliri. “Suswelduhan kita after our deal.” “Thank you,” I whispered. “Let’s eat,” inaya niya ulit ako sa table at pinaghanda niya ako ng pagkain. Mayroon ding wine. “Mayroon akong sasabihin. I told you about my real mother, right?” Tumango ako habang tinitikman ang wine. Mamait-mait pero matamis. “Help me to find who did that terrible thing to her. Mayroon na akong clue.” “Clue?” kunot-noong tanong ko. “I remembered what I saw in the library when I was at our mansion. It’s an old shirt that I think belonged to Mom. Why? Because we have a picture together where she was wearing it. Iyong picture na 'yon ay mukhang pagmamadali lang, takot siguro na makita siyang nilalapitan ako. There’s blood on it. It’s strange that it’s in our library, so I got a clue that one of the people in the mansion is involved in Mom’s death,” aniya habang mayroong galit ang mga mata niya. “Weh?” imposible na mismong relative niya ay may kinalaman? “Yeah. Since I talked about not being Mama Carol’s real child, my mind has been bothered that I need to find the one who killed Mom but I don’t know how. I’m not an expert in investigation. I need someone who will help me.” “So, ako ‘yon? Ano namang alam ko?” tinuro ko ang sarili ko. “Maybe you can help me. Ikaw lang kasi so far ang pinagkakatiwalaan ko, Sab,” sumubo siya ng beef steak. “Anong gagawin mo?” “Let’s start when we get home. That clue is not enough yet. I cannot just let what happened to Mom pass. Even if that’s the only thing I can do, at least may napatunayan ako sa kanya kahit na…maaga siyang nawala sa akin.” “Alam ko ang nararamdaman mo, Neil.” Naiintindihan ko na gusto niyang bumawi sa mama niya at sa lahat ng pagkukulang niya. Pero maswerte siya at nakilala niya ang tunay niyang ina samantalang ako ay hindi man. Minsan naisip ko rin kung hinahanap ba nila ako? “Let’s eat na.” Matapos naming kumain, bigla na lang napatingala ang leeg ko nang tumayo siya. Ang tangkad talaga ni Neil, nakakangawit leeg talaga. “May I dance this beautiful woman?” inilahad niya ang kanyang kamay habang malapad na nakangiti. Hindi na ako nag-inarte at inabot na lang ang kamay ko. Inilagay niya ang dalawang palad ko sa balikat niya habang hinawakan niya ang baywang ko. “Naiinlove ka na siguro ‘no?” biro ko. Tumawa lamang siya ng mahina. “Baka ikaw?” balik niyang tanong. “Hindi…pa,” may halong biro kong sabi at humalaklak. “May ‘pa’? So you want to fall in love with me?” “You’re perfect,” sambit ko at sinabayan ang pagsu-sway niya. “Sabrina, iba ang ugali ng mga pamilya ko at may ugali ako na kakaiba din na namana sa kanila na magpapaturn off sa ‘yo,” pag-amin niya. “Hindi mo ako ipaglalaban?” Dahil sa itinanong ko napatigil siya. Napapalunok siya at mukhang hindi niya alam ang kanyang isasagot. Napangiti ako na may halong biro. “Joke lang, uy!” “No, Sab. I don’t know how to answer that. Kapag kinontrahan ko ang pamilya ko hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin.” “Kaya nga nagjojoke lang ako. Joke lang, uy!” Hindi na siya muli sumagot at nag-humming lang. Dinadama niya kasi ang napakakomportableng instrumental na sinasabayan ng pagsayaw namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD