“Ang ganda!” sigaw ko sa buong paligid nang makarating kami sa buong camping site. Kami lamang dalawa rito at ang sarap lang sa pakiramdam dahil sariwa ang hangin. Sumayaw-sayaw pa ako ng bahagya habang pinapadyak ang mga damo. Nasa isang serene forest kami kung saan yumakap kaagad 'yung comfortable atmosphere dito. Nakapalibot ang nagtataasang puno at nagsisilbing silungan ay ang malalabong nitong mga dahon sa pinakataas. Mayroong maliit na space rito na good for two people lang at mayroong sibol sa tabi. This is a cozy spot for us. Tanging pagkaluskos ng mga dahon at 'yung pag-agos ng sibol ang naririnig naming dalawa habang magkahawak ng kamay. “Let’s fix our tent first,” aniya. Tinulungan ko siya na maibaba ang mga gamit namin. Habang nag-aayos kami ng tent ay hindi ko maiwasan na

