Mula kanina ay hindi na nawala sa isip ko ‘yung ‘I cared for you’ niya. Paano kasi kulang na lang ay mangisay na ako sa kilig. Pareho kaming nakainom ni Neil at nakahiga kami ngayon sa ilalim ng buwan habang ginagawa kong unan ang kanyang braso habang ang braso ko ay nakayakap sa katawan niya, as usual sinisinghot siya. Adik na adik ako sa kanya, e. Palagi na siyang nagfaflash sa isip ko tapos kinikilig ako kapag naiisip ko siya. Tapos ayaw ko na siyang mawala sa tabi ko. Kapag nagtatrabaho siya miss na miss ko na kaagad siya. Nababaliw na ako. “Sabrina, you told me you’re parentless, right?” basag ni Neil sa katahimikan. “Yes. Why?” tiningala ko siya at siya naman ay tinititigan ang mga bituin. “I saw a shooting star and then I prayed that you would see your real parents,” sambit ni

