Malakas akong napatili at humingi ng tulong, ngunit ang mga kasama ko sa selda ay nanonood lang sa nangyayari at ni hindi man lang gumagalaw sa mga puwesto nila. Hinila ako noong pulis ngunit patuloy ako sa pagpupumiglas. “Sir, tirahan mo naman kami!” narinig ko pang sigaw ng isa sa mga kasamahan ko sa selda. Nagtawanan pa sila ng mga kasama niya. Sinusuntok at sinisipa ko siya kaya huminto siya at bigla akong sinuntok sa sikmura. Kinapos ako ng hininga at mabilis na nanghina. Kapagdaka ay muntik na akong bumagsak sa sahig ngunit agad niya akong nasalo at binitbit sa balikat niya. Hinang-hina ako nang ipasok niya ako sa isang kuwarto at pabalibag na inihagis sa kama. “Maawa po kayo! Huwag po!” sa kabila ng panghihina ay nagawa ko pa ring magmakaawa lalo na nang i-lock niya ang pintua

