Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko si Sander pero hindi ito sumasagot. Dalawang beses ko siyang tinawagan pero wala pa rin. Tinigilan ko na lang dahil parang busy ito ngayon. Naupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Manonood na lang sana ako habang inaantay si Sander pero wala naman akong makursunadahang palabas. Kaya ang ending, pinatay ko na lang ulit saka ako tumayo at lumabas. Naisip kong magtungo sa garden at tingnan ang mga magagandang halaman at bulaklak na naroroon. Hanggang sa mapadako ako sa malaking swimming pool. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda niyon. Napangiti ako nang biglang maisip na mas magandang pampalipas ng oras ang pagsu-swimming. Dali-dali akong nagtungo sa kuwarto ko at pumili ng disenteng swimsuit. Ilang pares din ang dala ko dahil nakatakda naman talaga kami

