Pero napatda ako nang bigla itong tumawa ng malakas. Agad ko siyang sinimangutan at tiningnan nang masama. Itinaas niya ang dalawang kamay na wari ay humihingi ng pasensiya. Pero umismid lang ako at tinaasan siya ng kilay. Nag-aalala na ako at lahat dito tapos siya tatawa-tawa lang? “I’m sorry. Pupunta lang tayo doon para makausap si Stan at masabi sa kaniya iyong mensahe ni Marcus. Sa ngayon ay hindi na ito makontak at nag-aalala na rin si Charles at Ashnea. Maging ang mga tauhan ni Marcus ay walang ideya kung ano na talaga ang totoong kalagayan niya kaya kailangan na nating magmadali. So now, please take your rest. Maaga ang flight natin bukas,” mahabang paliwanag niya. Hindi pa rin ako sang-ayon sa gusto niya pero ayoko namang maiwan dito at mabaliw sa pag-aalala sa kaniya. Mabuti nga

