Nabuhayan ako ng loob nang tumango ito at saka bumaba ng sasakyan. Ngumiti siya at hinarap iyong lalaking kausap ni Sander kanina. “Hallo, Boss Stan erwatet uns heute. KÖnnen wir ihn jetzt treffen?” hindi lang napataas ang kilay ko kung’di napaawang pa ang bibig ko nang kausapin ni Kuya George iyong lalaki. At halos mapapalakpak ako sa tuwa nang ngumiti ito sa kaniya at sumagot. Hindi na namin naintindihan kung ano pa ang mga pinag-usapan nila pero ang sumunod na nangyari ay niyayaya na kami ni kuya George na sumunod sa kanila. Agad naman kaming tumugon. Kinalabit ko pa si kuya George kaya napalingon siya sa akin. “Kuya, ano’ng sinabi mo sa kaniya at mukhang natuwa pa sa iyo?” curious kong tanong. Natawa ito sa akin. “Sinabi ko lang na hinihintay na tayo ni Boss Stan. Tapos sabi niya,

