“What will I get in return?” bigla ay nakangising tanong ni Stan. “What do you want?” tanong naman agad ni Sander. Muntik na akong masamid nang bigla akong tingnan ni Stan. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil kinilabutan ako sa tingin niya. Hindi ko talaga alam kung pinaglalaruan ba kami ni Stan o ano. “What about you lend me this cute lady here so I will have a company while I travel back to my country?” walang kagatol-gatol na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napatingin ako kay Sander na pakiramdam ko ay sasabog na yata sa oras na ito. Nang tingnan kong muli si Stan ay mukhang inaasar talaga nito si Sander at hindi ko gusto ito. “I never thought you would be so shameless to even say that. My girlfriend is not a thing for you to borrow! I won’t let her to even b

