Sa mga sumunod na araw ay naging masiyado akong abala sa mga events and business meetings dito sa Pilipinas. Parang lahat yata ng may kailangan kay lola ay nagpa-appointment para makausap ako. Simula nang matunugan nilang naririto na ako sa Pilipinas ay halos wala na akong panahon para sa sarili. Negosyo, bahay at ang anak ko lang talaga ang priorities ko. Lalo na ang anak ko dahil kahit may yaya siya, ako pa rin ang personal na nag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan niya. Saka lang humahalili ang yaya niya kapag nasa opisina na ako. “Ma’am babalik pa po ba kayo?” tanong sa akin ng sekretarya ko nang makalabas ako ng opisina at papunta na sa elevator. Umiling ako sa kaniya habang nakangiti. “No. Wala namang urgent matter today kaya ipapasyal ko si Llander. You should go home, too and e

