Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak. Pero nang tila naubusan na yata ako ng luha ay ramdam ko na ang biglaang pagsakit ng ulo at lalamunan ko. Maging ang dibdib ko ay mabigat na mabigat din kaya nahiga ako. Gusto ko na lang sanang itulog ang sakit pero ayaw makisama ng mga mata ko. Sa tuwing pipikit ako ay ang masayang ngiti ni Sander ang nakikita ko ganoon din ang babaeng iyon! Bandang alas-dos ng madaling araw ay nakarinig ako ng mahihinang katok. “Coleen… are you still awake?” narinig kong tawag sa akin ni Sander. Akala ko nasaid na ang mga luha ko. Pero nang marinig ko ang boses niya ay muli na naman akong naiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at saka tinakpan ang bibig ko para hindi niya marinig ang mga pag-iyak ko. Ayaw ko muna siyang makita at makausap dahil lalong

