Ilang beses akong kumurap-kurap habang ninanamnam ang mga sinasabi niya. Para bang biglang nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko at tanging ang t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Hanggang sa unti-unti ay hindi ko napigilan ang mapangiti nang maluwang. Napahawak din ako sa pisngi ko dahil alam kong namumula na ito kasi ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. “Thank you, Sander,” ito na ba iyong na-crush back ka ng crush mo? Oh my God, puwede kayang huwag na lang kaming bumaba? Dito na lang sana kami! “Para saan?” nagtatakang tanong niya. “Sa papuri mo. Ang sweet kasi nang pagkakasabi mo kaya ramdam kong sincere,” mahinhing sagot ko saka pasimpleng hinawi ang buhok papunta sa likuran ng tainga ko. Natawa pa siya sa isinagot ko pagkatapos ay mapaglarong dinampian ng hintuturo niya

