“Coleen, come here,” tawag niya sa akin. May pag-aatubili man ay mabilis akong lumapit sa tabi niya. Nanlalamig ang mga kamay ko at maging ang mga tuhod ko ay bahagyang nanginginig. Ano ba naman ito! “Who is she, Sander?” mahina ngunit may diing tanong ng lola niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero hindi rin siya mukhang natutuwang makita ako. “She is Coleen Faye Vergara, lola. Kaibigan namin siya ni Kristine. Coleen, this stunning woman here is Aurora Emely Marconi, my lola,” maingat ngunit masayang pakilala ni Sander sa aming dalawa. Naupo ako sa tabi ni Sander pero siniguro kong may space. Kasi bawat galaw ko ay tila minamatyagan ng lola niya. “Magandang hapon po, nice to meet you po, ma’am,” magalang na sambit ko. Pilit kong pinananatili ang ngiti sa mga labi ko para hindi nam

