Huminto kami sa isang kulay puting pintuan, pagkatapos ay binuksan niya iyon. Tumingin siya sa akin at isinenyas na mauna na akong pumasok. Isang tango ang itinugon ko at nagpatiuna na. Agad naman niya akong sinundan saka isinara ang pintuan. Kumawala pa ang mahinang singhap mula sa bibig ko sa pagkaka-lock ng pintuan. May malaking lamesa sa gitna at sa likod nito ay ang malapad na bookshelf. Puno iyon ng libro at ibat’ ibang babasahin. Napansin ko ring may salamin pa lang tumatakip sa lahat ng mga ito. Sa bandang kanan naman ay may tatlong malalaki at magagandang mga antique vases. At sa bandang itaas ay ang portrait ni Sander na nakasuot ng barong tagalog. Nang lingunin ko naman ang bandang kaliwa ay may mini sala set doon na may glass na center table. May daan din doon patungo siguro sa

