Nakaramdam ako ng mainit na palad na humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti akong nagbukas ng paningin at nakita ko si Sander na nakatunghay sa akin. Hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mukha. “It’s lunch time. Please, kumain ka na. Hindi kita dinala rito para lang gutumin,” may pagmamakaawang sambit niya. Hindi agad ako nakagalaw at nanatiling nakatitig sa mga mata niya. He really looked sad and hurt. Siguro nga ay may problema silang mag-asawa. Pero mali na ibaling niya sa ibang babae ang kaniyang atensiyon dahil lang sa nagkakaproblema sila ng asawa niya. At ako naman itong si tanga na nagpadala agad sa init ng katawan. “Okay…” tugon ko. Lumiwanag ang mukha niya sa isinagot ko. “Kakain ako, pero mangako kang mag-uusap tayo ng maayos. Hindi puwede itong ginagawa

