At dahil nasa gitna kami ng dancefloor wala akong nagawa kung’di magpatianod sa mga nangyayari. Halos mapasinghap ako nang hawakan na ni Sander ang kamay ko at umikot naman ang isang braso niya sa baywang ko. “Relax. This is just a dance…” bulong niya sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso at nagkabuhol-buhol na ang hininga ko. Gusto ko sanang lingunin si Axel dahil bigla akong nakonsensya dahil naririto siya. Pero hindi pumayag si Sander at bahagyang humigpit ang pagkakahawak sa akin habang sumasayaw. “Ano’ng ginagawa mo?” inis na tanong ko sa kaniya. Asar na asar na nga iyong asawa niya sa akin kanina pa, mukhang gusto pa niyang gatungan. Eskandalosa pa naman iyong Kiara na iyon! “Dancing. I am just enjoying the dance with you. You look very pretty tonight,” sabi pa niya. Mab

