Walang kagatol-gatol na sigaw ko at maging si Axel ay gulat na gulat na napatingin sa akin. “Woah! Someone bids for two hundred million!” hindi makapaniwalang bulalas ng host. Ang lahat ay natuon ang atensiyon sa akin na may matinding pagkamangha at paghanga sa mga mukha nila. At ganoon na lamang ang pagkagimbal ni Kiara nang makita ako. Buong tapang kong sinalubong ang nagulantang na titig niya habang nakaawang ang bibig niya. I smiled victoriously at her. “Higher than two hundred million? One, two–” “Wait!” biglang putol ni Kiara sa host. “Kilala ko ang babaeng iyan. At kahit sa panaginip niya, sigurado akong wala siyang ganiyan kalaking halaga. She’s a typical commoner and a social climber!” walang prenong deklara ni Kiara na lalong ikinagulat ng lahat ng naroroon. Pero ni hindi ko s

