“Huwag po kayong mag-alala, Miss Rica, sila po muna ang magpa-publish ng public apology bago tayo maglabas ng response,” kumpiyansang saad ko. Napamaang ito sa sinabi ko at gaya ni Beth kanina ay tila hindi naniniwala sa akin. “What? We need to address this issue ASAP, or else, another false information would come out,” nag-aalalang sagot niya. “Miss Rica, ako na po ang bahala. Pangako, hindi matatapos ang araw na ito at tatanggalin na nila ang article na iyan kasunod ng public apology nila,” nakangiting paniniguro ko sa kaniya. Lalong nagsalubong ang kilay nito. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy. “Are you sure about this? Please don’t get me wrong, I do trust you. Kahit dalawang linggo ka pa lang sa trabaho mo, I could say you are really doing great. But th

