Chapter 40

1137 Words

Coleen’s POV Paggising ko ay nasa clinic na ako at kasalukuyang binabantayan ni Beth. Napatayo ito at dinaluhan ako nang makitang gising na ako. “Miss Coleen, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Beth. “Ano’ng nangyari? Si Miss Rica nasaan siya?” agad kong tanong. Lalong lumamlam ang mga mata niya at sobrang nalungkot ang mukha niya. Kaya ako naman ay biglang nabahala. “Nasa conference hall sila ngayon kasi may malaking problema…” nag-aatubiling banggit niya. Muli ay parang gusto ko na namang umiyak. “Una, iyong mga pulis ay nandiyan na sa labas at may dalang warrant para hulihin ka. Hinihintay na lang talaga nila na magising ka. Pangalawa, may malaking iskandalong kinakaharap si Sir Sander ngayon dahil sa–” “Problema? Ano’ng problema?” maagap na putol ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD