Kiara’s POV “Oh my God, hija! What happened to you? Who did this to you?” lumuluhang bulalas ni mommy nang makapasok na siya sa hospital suite ko. Gusto kong paikutin ang mga mata ko pero nagpigil ako. Kailangan kong magmukhang kaawa-awa at labis na nasasaktan para ipaghiganti ako ng mga magulang ko at tuluyan nang mawala sa landas ko ang babaeng iyon. The f**k! I did a little digging about that woman! Isa lang siyang hampaslupa pero kung makadikit kay Sander akala mo may maipagmamalaki? She’s nothing compared to me kaya hindi ko alam kung ano’ng nagustuhan ni Sander sa kaniya. She’s not even rich and popular like me. Maybe she’s pretty, but not pretty enough to beat me. Sander is mine! And I won’t let a trash like that to take what is rightfully owned by me! “Mom, natatakot po ako! Ak

