Isang linggo pa ang lumipas at ngayon na nga ang araw na napagkasunduan. “So, are you ready? Puwede naman kitang samahan kung gusto mo,” tanong sa akin ni lola. Pero mabilis akong umiling at ngumiti sa kaniya. “Kaya ko na ito, lola. Saka kailangan mong bumalik ng LA para sa world business summit. Magkita na lang po tayo roon pagkatapos nitong meeting na ito,” nakangiting tugon ko sa kaniya. Ipinaalala ko na rin iyong pinakamalaking event ngayong taon para sa kumpanya namin. “Fine! Nakahanda na ang lahat at dinagdagan ko na rin ang mga guwardiya mo. Huwag na huwag ka lang nilang kakantiin doon dahil wawasakin ko silang lahat kung sakali man!” may pagbabantang bilin ni lola ‘pag nagkataon daw. Natawa ako sa kaniya dahil mukha siyang katipunerang lalaban sa giyera. Kulang na nga lang yata

