“Unang-una sa lahat Donya Aurora, wala akong naalalang nagawa ko sa iyo para bastusin mo ako rito. Pangalawa, narito ako dahil inimbitahan ako at hindi para sa inaakusa mo. Pangatlo, sa susunod na pagsasalitaan mo ako ng ganiyan, sisiguraduhin kong mapapatalsik ka sa pedestal na tinutungtungan mo ngayon. That’s why if I were you, mananahimik na lang ako. Iyan ay kung gusto mo pang ma-enjoy ang mga kayamanang tinatamasa mo dahil sa tulong ni Seferina Imperial!” walang prenong sagot ko sa kaniya. Hindi ako nagbaba ng tingin at direktang tinitigan siya sa mga mata. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa pagsagot ko at ang pagkunot ng noo niya sa pagkakabanggit ko kay lola. Sasagot pa sana siyang muli pero humarang na si Sander at muli siyang pinagsabihan. Sapilitan siya nitong inakay pabalik

