Inalalayan ako ni Charles sa pagtayo, at inihatid pa niya ako hanggang marating ko ang stage. Habang naglalakad kami papunta sa stage kanina ay umingay ang paligid. Kitang-kita ko rin ang matinding pagkagulat sa mukha ni Donya Aurora na sinundan ang bawat galaw ko hanggang sa marating ko ang podium. As for Sander, hindi ko alam. Hindi ko siya tiningnan, pero I’m sure maging siya ay nagulat din. Ngunit bago ako magsalita ay hindi sinasadyang napatingin ako sa kaniya. He looked totally astonished. Hindi ko mailarawan ang emosyong nakaguhit sa mukha niya ngayon. “Hello everyone! Thank you for that introduction. Let me greet everyone a blessed and wonderful day! Isang malaking karangalan po para sa akin ang tumayo sa harap ninyong lahat. Hindi pa po ako ganoon kagaling pagdating sa pagma-mana

