Kinagabihan ay dito na naghapunan si lola at ang mga kasama niya. Hahayaan muna raw niya kaming makapag-usap mabuti para sa mga desisyon na kailangan naming mapagkasunduan at gawin. Maging ang mga magulang ko kasi ay hindi pa rin makapaniwalang tanggap na sila ni lola at sa wakas ay buong-buo na muli ang pamilya namin. “Mommy, daddy, bago po pansamantalang umalis si lola, may gusto po akong ipagtapat sa inyo,” panimula ko. Narito na kami sa sala ngayon at katatapos lang magbilin ni lola tungkol sa ilang bagay tungkol sa Hacienda Seferina. “Ano iyon, anak? May problema ba?” ramdam ko ang kaba at pag-aalala ni mommy nang magtanong. Maging si daddy ay seryosong nakatuon ang atensiyon sa akin. si lola naman ay naghihintay ng susunod kong sasabihin. Huminga ako nang malalim at isa-isa silang

