Prologue

442 Words
A/N: Ang kuwentong ito ay special sequel ng A Billionaire's Dark Obsession. Dahil sa taas ng demand na magkaroon din ng story sina Sander at Coleen ay gusto kong pagbigyan ang mga mababait at very supportive kong readers - ang mga Thinz' Angels. Sa ngayon ay prologue pa lang ang available dahil isusubmit ko pa lang ang synopsis sa aking Editor. Add ni'yo na sa inyong library. Thanks in advanced for your support!!! Happy reading.... ***************************************************************************************************** Papunta ako sa kusina nang marinig ko na parang may nagtatalo. Binilisan ko ang paglakad at napatda ako nang makita ang lola ni Sander na mukhang galit. Tila may sinasabi ito sa apo na hindi nito sinasang-ayunan. “Sander, I know you’re just playing around with that woman. Halata namang hindi ka seryoso sa kaniya kaya ano pang pumipigil sa iyo para sundin ang sinasabi ko?” pagalit na tanong ng lola ni Sander sa kanya. “Lola, I love you so much! But please, don’t force me to marry a woman I don’t love. I don’t even know her that much. Please lang po, hayaan ninyo na ako na ang pumili ng babaeng gusto kong pakasalan, ” pakiusap ni Sander. Pero lalo lang naningkit ang mga mata ng lola niya at tumindi pa ang galit sa kaniyang mukha. “At sino ang gusto mong pakasalan, aber? Iyong babaeng napulot mo sa Maynila? She doesn’t even suit you! You did not even explain to me yet, as to why you are dating another girl while you just introduced to us two months ago that your girlfriend is Kristine? Are you cheating on her with that woman?” sunod-sunod na tanong ng lola ni Sander. Halatang galit na ito at ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay parang patalim na tumatarak sa puso ko. Noong unang beses pa lang niya akong makilala ay halatang ayaw na niya talaga sa akin. “Lola, please… calm down and I will explain everything, ” pagsusumamo pa ni Sander. Bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. “No! It’s either you marry Kiara Dominguez or bring Kristine back. I only want those two women for you and no one else!” matigas na tutol ng lola niya saka ito tumalikod at tuluyan nang umalis. Ilang beses siyang tinawag ni Sander pero hindi niya ito pinansin. Bumalik ako sa kuwartong tinutuluyan ko para doon ituloy ang pag-iyak. Ang sakit pa lang makarinig ng ganoon. Iyong hindi ka tanggap ng pamilya ng lalaking minamahal mo. At higit sa lahat ang liit ng tingin ng lola niya sa akin at lantaran ang pagkadisgusto niya na mapalapit ako kay Sander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD