Chapter 1 Bestfriend Goals

1716 Words
Coleen’s POV “Beshy nasaan ka na? Ano ba ‘yan! ‘Di ba sabi ko naman sa iyong agahan natin ngayon para hindi tayo mahirapang pumila?!” maktol ko sa bestfriend kong si Kristine nang sagutin niya ang tawag ko. Ngayon ang araw na mage-enroll kami sa college. Napagpasiyahan naming kumuha ng Tourism course dahil gusto naming maging flight stewardess. “Pasensiya na! Heto nga kababalik pa lang ng driver namin para doon sa kailangang materyales. Malay ko ba namang ngayon pa masisira itong kotse,” sagot nito. Halatang nayayamot na rin kasi gaya ko, hindi rin masiyadong matiyaga iyon makipila kaya nga napag-usapan naming pumunta rito nang maaga. “Ano ba naman kasi ‘yan, wrong timing! Dumadagsa na ang mga magpapa-enroll dito. Siguradong matatagalan tayo rito kapag!” malungkot na pagbibigay-alam ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago sumagot. “Besh, mauna ka na kayang mag-enroll? Okay lang naman ako kahit mahuli na ako mamaya,” suhestiyon nito pero agad kong kinontra. “Ayoko nga! Hihintayin na lang kita,” sagot ko sa kaniya. Halos isang oras pa ang ipinag-antay ko bago siya nakarating dito sa university. At gaya ng inaasahan namin, inabot kami ng alauna ng hapon bago nakatapos. Dumiretso kami sa canteen dahil talagang gutom na kaming pareho. “Nag-text si Drake, papunta na raw siya rito,” maya-maya ay sabi ni Kristine habang kumakain kami. “Alam mo besh, feeling ko talaga may gusto si Drake sa iyo,” sabi ko sa kaniya. Tumaas lang ang kilay nito saka naiiling na ngumiti. “Malabong mangyari iyon. Saka wala na akong feeling na gano’n para sa kaniya. Siguro high school crush lang talaga natin siya noon,” sagot nito sa akin. Una naming nakilala si Drake noong grade 9 kami at nasa senior high school na siya noon. Isa si Drake sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa campus dahil nga napakaguwapo at star player ng varsity team. Naging malapit siya sa amin ni Kristine noong palarin kaming manalo sa student council election at si Drake ang president. Mula noon hanggang ngayon ay naging malapit na kaming magkakaibigan. Although paminsan-minsan napapansin kong iba talaga ang mga titig niya kay Kristine. “Alam mo may nakita akong pogi kanina no’ng dumaan tayo sa accounting department. At least ngayon pa lang mayroon na akong inspiration sa pagpasok!” kinikilig na pagbabalita ko sa kaniya. Naningkit ang mga mata nito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Alam mo ikaw talaga, tumigil ka na nga sa kagaganiyan mo!” saway nito sa akin. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano kami naging mag-bestfriend ni Kristine. Magkaibang-magkaiba talaga ang ugali namin. Siya sobrang mahiyain at napaka-conservative habang ako naman may pagka-happy-go-lucky. Sabagay, sobrang istrikto kasi ang parents niya at kulang na nga lang pati pag-ihi niya eh bantayan. Panganay ako at ang bunsong kapatid ko naman ay babae rin. Tatlo sana kami kung hindi nakunan si mommy dati. Noong unang araw ng klase ay hindi naman masiyadong seryoso pa kasi karamihan sa mga subjects namin puro orientation o kaya introductions ng mga lessons na pag-aaralan sa buong sem. Kaya medyo chill lang naman kami. No’ng palabas na kami papunta sa parking lot ay nagtataka kami dahil halos mamilipit sa kilig ang maraming kababaihan. Baka may nakita silang artista. Marami rin kasing celebrities at models na nag-aaral dito sa Lasalle. “O, bakit ang dilim ng mukha mo?” tanong ko kay Drake nang makasalubong namin ito. Salubong na salubong ang makakapal niyang kilay na animo’y nakakita ng kinaiinisan niya. “Did you notice those squealing girls? It’s because the CEO of the Asia Banking Corporation is here. Waiting for someone, I guess!” may halong iritasiyon sa boses niya habang nagsasalita. “Si kuya Charles, nandito?” masiglang tanong ni Kristine. Sanay na rin kaming madalas na dinadalaw ni kuya Charles ang bestfriend ko dahil parang magkapatid na yata ang turingan ng dalawa mula noong mamatay ang totoong kuya ni Kristine. “Ay, besh halika na at baka manlilibre si papa Charles! ‘sakto kasi gustom na rin ako, dali!” excited na yaya ko kay Kristine. Lalo namang sumimangot si Drake. “Look at you, you are even more excited here!” singhal ni Drake sa akin. “Bakit ba? E talaga namang papables iyong si kuya Charles, tapos galante pa!” kontra ko sa kaniya. “I can treat you, too, you know,” may hinampong sabi nito kaya medyo na-guilty tuloy ako. Ano ba kasing problema ng lalaking ito? “Drake, why don’t you just join us? Let’s have snack together para naman umaliwalas na iyang mukha mo,” malambing na sabi naman ni Kristine sa kaniya. At itong loko, ang bilis nalusaw ang ang pag-eemote niya. Naku alam na this! Ayaw man niyang aminin pero sure akong may gusto talaga siya sa bestfriend naming si Kristine. “Thanks, Kris. But I have something else to do anyway. Just enjoy,” alanganing sagot nito. “Sayang naman. Mas masaya sana kapag kumpleto tayo,” segunda ko sa kaniya. “I’ll treat you for lunch tomorrow. Para makabawi naman ako sa hindi ko pagsama ngayon.” Nagpapalitan siya ng tingin sa aming dalawa ni Kristine saka kami nagsabi ng ‘okay’ sa kaniya. At hindi nga ako nagkamali dahil dinala kami ni Charles sa isang high class na restaurant. “Kuya Charles thank you, ha? Matagal na naming gustong kumain ni Kristine dito kaya lang ang hirap kumuha ng reservation kasi pang-VIP lang daw ang puwedeng kumain dito!” that’s what I said after we took our seats. “Anything for you, ladies!” he replied in his baritone voice. Pati boses ang sexy. “Grabe ‘no? Kahit ang busy mo, nagagawa mo pa rin kaming puntahan at ilibre ng ganito!” puri ko sa kaniya. Minsan nga aakalain mong very protective brother talaga siya kay Kristine. “Oo nga kuya! Thanks again. We really appreciate your kind gestures always!” segunda ni Kristine sa sinabi ko. “I have business meeting around the area kaya naisipan ko nang dumaan sa school ni'yo. It’s nothing big, really,” simpleng sagot nito at kumindat pa. “Naku! Huwag ka ngang umeeksena ng ganiyan kuya mamaya ma-in love na kami sa iyo niyan!” pabirong punto ko sa kaniya pero tumawa lang ito. “By the way, kuya Charles, hindi ba magagalit ang girlfriend mo kapag may iba kang inililibreng babae?” biglang tanong ni Kristine. “I don’t have one!” depensa nito. “Weh? Sa guwapo mong iyan wala kang girlfriend?” hindi makapaniwalang tanong ko. May mga ilang artista pa nga ang na-link sa kaniya tapos wala siyang GF? “That’s true. I am still waiting for my special someone,” he said with a meaningful look on his face. Ipinagkibit-balikat na lang namin ang sinabi niya. Ilang linggo pa ang lumipas at nakasanayan na namin ang mga ganoong eksena. At habang tumatagal ay medyo humihirap na rin ang mga ginagawa namin sa school. Hanggang isang araw habang tumatakbo ako paakyat sa third floor dahil naroon ang next class ko ay hindi inaasahang nadulas ako at muntik nang mahulog. Inaasahan ko na talagang masaklap ang pagbagsak ko kaya ipinikit ko na ang mga mata ko pero bago pa man ako lumagapak sa semento ay ramdam ko na ang mga bisig na sumalo sa akin. “Be careful, Miss,” dinig kong sabi noong lalaking nakasalo sa akin. Ang lalim ng boses niya at nang idilat ko ang mga mata ko para tingnan siya ay napanganga ako dahil ito iyong guwapong lalaking nakita ko noong enrollment. Hindi agad ako nakahuma sa pagkabigla kaya nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa muli itong magsalita. “Miss, medyo mabigat ka na. Hindi ka pa ba tatayo?” maginoong tanong nito. Medyo hirap siyang magtagalog base sa accent niya. Mabilis pa sa kidlat na inayos ko ang sarili at napayuko dahil sa pag-iinit ng mukha ko ay alam kong namumula na ako ngayon. “S-sorry. Salamat nga pala, kasi kung hindi dahil sa iyo hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin,” nahihiyang pasasalamat ko sa kanya. s**t! He’s so handsome talaga. It’s official! He is now my ultimate university crush! Grabe, ang pogi na ang gentleman pa. Tapos kaninang nakadikit ako sa kanya amoy na amoy ko na ang bango niya. “It’s my pleasure to help,” sabi nito saka pinulot iyong librong nabitawan ko kanina. “By the way, I am Coleen. You are?” I tried to sound casual para naman hindi niya mahalatang mamamatay na ako sa kilig dito. “I’m Park Je Jung. But you can call me Jung,” nakangiting sagot nito at inilahad pa ang kamay na agad ko namang tinanggap. “Are you Chinese or–” “Korean!” maagap na putol nito sa akin. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. “Nice to meet you, Jung!” “It’s my pleasure to meet you, too. And next time, please be careful I don’t want to see a scratch on that beautiful face of yours,” nakangting saad nito sa akin. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko para pigilin ang paglitaw ng maluwang kong ngiti pero sa totoo lang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. At least para sa paningin niya maganda ako, ‘di ba? “Thanks!” sabi ko saka ko naalala kung bakit ako nadulas. Nagmamadali nga pala ako dahil late na ako sa klase ko. Kaya mabilis akong nagpaalam sa kaniya at dali-dali na tinungo ang classroom namin. Hindi maalis-alis sa isip ko ang nangyari kanina kaya kahit napagalitan ako ng bonggang-bongga kaninang bumungad akong late ay okay lang dahil worth it naman. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa mga labi ko at parang may mga paruparong naglalaro sa tiyan ko. “Hoy! Okay ka lang ba? Sa lahat naman ng nakita kong napagalitan sa harap ng lahat, ikaw lang ang nakangiti at mukhang tuwang-tuwa pa?” pabulong na tanong ni Kristine sa akin. “Besh, may good news kasi kaya ako na-late. I will tell you later, promise!” pasimpleng sagot ko sa kaniya para hindi nila mapansin na nag-uusap kami. May pagka-istrikto kasi itong teacher namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD