Chapter 2 An Emergency

1340 Words
Ang inakala kong masayang encounter namin ni Je Jung ay mauuwi na sa mas malalim na pagkakaibigan o higit pa kaya lang napag-alaman kong may girlfriend na pala ito. Sadyang mabait at gentleman lang talaga siya kaya mabait sa lahat lalo na sa mga kababaihan. Ako lang talaga itong assuming. “Besh, why do you look so down? Iniisip mo pa rin ba iyong Jung na iyon? Naku move on na girl, mas marami pang higit kaysa sa kaniya. Besides, he is Korean, and you know that they value their traditions more than anything else kaya I’m sure hindi talaga kayo puwede,” banayad na paliwanag ni Kristine sa akin. “Yeah, I know. Hayaan mo na lang muna ako saka kaya ko ito ano! Ako pa ba?” natatawang tugon ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala sa akin. “Mabuti naman kung gano’n. Nga pala next week na ang debut party ko. Sabi ni mommy okay lang na ako ang pipili ng 18 roses ko,” masayang pagbabalita nito sa akin. Mabilis akong napangiti sa kaniya. Actually, mas matanda ako ng isang taon kay Kristine dahil mas maaga siyang nag-aral. Marami siyang naging pasabog noong ako ang nag-debut kaya gusto kong bumawi. “Oo nga pala, naku masaya iyan! E, may listahan ka na ba kung sino-sinong ilalagay mo sa 18 roses?” excited na tanong ko sa kaniya. “Wala pa nga eh. Dalawang lalaki lang naman ang ka-close natin. Si Drake at saka si kuya Charles lang, so sino iyong ibang ilalagay ko kaya?” she asked me while puckering her lips. “Narinig ko ang pangalan ko! ano iyan ha?” Napalingon kami kay Drake na ngayon ay nakasuot ng practice shirt niya. “Alam mo ikaw, para kang kabute! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot at nanggugulat!” reklamo ko sa kaniya. Natawa lang ito at tumabi kay Kristine. “Sorry, guys! Hindi ko naman kasi inaasahang makikita ko kayo rito. So, ano’ng pinag-uusapan niyo at nasali ako?” dagdag na tanong pa nito. “Birthday na kasi ni Kristine next week, remember?” sagot ko sa kaniya at tumango naman ito. “I need 18 gentlemen for my 18 roses and one of them will be you.” Si Kristine na ang nagtuloy na sumagot kaya napatango na lang ako bilang pagsang-ayon. “There’s no problem with me!” maluwang ang ngiting sabi naman ni Drake. “Well, that’s not the problem here!” sabi ko naman. “E, ano?” kunot-noong tanong ni Drake. “18 men ang kailangan. Dalawa pa lang kayo ni kuya Charles ang nasa listahan, so 16 pa,” pagbibigay-alam ko sa kanya. “How about tito Leandro? He should be included in the list too, right?” Drake suggested. Napapalatak naman ako. “Oo nga ano? Puwede rin pala riyan iyong mga pinsan mong lalaki or uncle gano’n. i-invite mo kaya si Jefferson?” suhestiyon ko. Sabay namang napasabi ng ‘no’ ang dalawa bilang pangontra kaya natawa lang ako. Iyong Jefferson kasi ay iyong pinakamasugid sa lahat ng manliligaw ni Kristine at kahit ilang beses ng binasted e nagpupursige pa rin. Pag-uwi ko sa bahay namin ay nagulat pa ako nang mabungaran ang ambulansiya sa tapat ng gate namin. Agad akong kinabahan kaya binilisan ko ang pagda-drive palapit sa bahay namin saka ako bumaba. Nakita ko ang kasambahay namin na umiiyak kaya lumapit agad ako sa kanya. “Ate Mila bakit po may ambulansiya? Ano’ng nangyari?” mabilis na tanong ko sa kanya. Pero bago pa niya ako masagot ay inilalabas na nila si mommy na nasa stretcher. Lalong bumaha ang kaba sa dibdib ko nang makita ang mommy ko na walang malay. “Ate, we were just baking then mommy fainted!” mangiyak-ngiyak na sumbong ng kapatid ko. “Why?” nag-aalalang tanong ko. “I don’t know, ate!” at tuluyan ng umiyak ang kapatid ko na yumakap pa sa akin. “Ako na ang sasama kay mommy sa ospital. Alam na ba ito ni daddy?” tanong ko sa maid namin. “Hindi pa po ma’am, kasi biglaan ang nangyari kaya nataranta rin kami. Mabuti na lang mabilis na nakatawag ng tulong itong si Clarissa. “Sige po, ako na lang tatawag kay daddy. Kayo na po muna ang bahala rito,” bilin ko sa kanya. Muling lumapit si Clarissa sa akin na umiiyak. “Is mommy alright, ate?” tanong nito. Clarissa is the youngest in the family and she’s only 8 years old. “She will. Go inside because we need to go now,” banayad na sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at sumunod. Hindi pa rin lumalabas iyong doktor na tumitingin kaya mommy kaya lalo akong kinakabahan. Wala naming kaming alam na sakit niya kaya ano kayang dahilan ng pagkahimatay niya? “How’s your mom?” Napaangat ako ng mukha ng marinig ang boses ni daddy. Agad nangilid ang mga luha ko nang makita siya. Pero pinigil ko ang sariling maiyak. “I don’t know yet, dad. Hindi pa lumalabas iyong doctor,” malumanay na sagot ko. Bumuntong-hininga ito at tumabi sa akin. Naninikip ang lalamunan ko at ang bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari kay mommy. “Don’t worry, dear. I know your mom, she’s a fighter, so I know she can survive this. Baka napagod lang talaga kaya hinimatay,” pagpapalakas ng loob ni daddy. Alam kong nahihirapan din siya pero nagpapakatatag lang. Kaya tumango na lang ako para naman hindi na rin madagdagan ang pag-aalala niya. Mabilis kaming tumayo ni daddy ng lumabas iyong doktor kasunod iyong dalawang nurse na nag-asikaso kay mommy kanina. “Are you the husband of the patient?” tanong ng doktor kay daddy. “Yes, doc. Kumusta po ang asawa ko?” magalang na tanong ni daddy. “Well, for now, she is stable. But we need to run more tests to determine the cause of her sudden fainting. May gamot or vitamins po ba siyang tine-take ngayon?” paliwanag ng doktor na sinundan niya ng tanong. “I’m not really sure but I think she’s taking some vitamins for her skin or something,” naguguluhang tugon ni daddy. “Sabagay, malalaman din natin lahat iyan mamaya kapag lumabas ang resulta ng mga laboratory tests niya. For now, hayaan na lang muna natin siyang makatulog,” sabi ni doc. Saka lumingon sa nurse na nasa likuran niya. “Please inform me immediately kapag nagising ang pasyente dahil kailangan ko siyang tanungin sa mga ilang bagay regarding her condition,” bilin nito. “Yes, doc,” sagot naman no’ng nurse. “Mauuna na po muna ako at may mga pasiyente pa akong kailangang puntahan,” nakangiting paalam ni doc. “Thank you, doctor,” sabi naman ni daddy at ngumiti pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Makalipas ang mahigit dalawang oras ay nagising na si mommy. Kasunod din niyon ang pagbabalik ng doctor para ipaliwanag ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya. Nagkaroon daw di umano ng problema sa dugo si mommy dahil sa iniinom niyang slimming tea. Hindi raw pala approved ng BFAD ang brand ng tsaa na iniinom niya dahil may ingredients daw ito na hindi talaga mabuti sa kalusugan. “Why do you even had to drink such kind of tea, mom?” pagmamaktol na tanong ko sa mommy ko pagkaalis ni doc at noong mga nurse. “I just saw a commercial and tried it. Actually, it works for me dahil mabilis lang din na bumaba ang timbang ko. Hindi ko naman akalaing may ganyan pa lang effect iyan,” katuwiran ni mommy. “You don’t need to be slim because you will always be the sexiest in my eyes!” singit naman ni daddy na nagpalusaw ng inis ko. Ito ang gustong-gusto ko sa mga magulang ko. iyong sweetness nila mula pa noong bata ako hanggang ngayon, hindi nagbabago. Kinabukasan ay inilabas din namin sa ospital si mommy dahil wala naman daw malalang naging problema sa kanya dahil naagapan naman iyong sitwasiyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD