CHAPTER 3 First Encounter

1438 Words
Coleen’s POV “Besh, bukas na pala talaga iyong kasal mo ano? Grabe! Mukhang wala na talagang makapipigil,” sabi ko sa bestfriend kong si Kristine. Ikakasal na ang kaibigan ko sa pinakamayamang banker sa Asya na si Charles Ty. Pero sa itsura nito ngayon ay wala ka man lang makitang excitement o kahit na konting tuwa man lang. Ako si Coleen Vergara at pareho kaming kumukuha ng BS Tourisim sa De Lasalle University. Hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ko, pero hindi rin naman kami matatawag na mahirap. Mas mayaman nga lang itong bestfriend ko na ngayon ay parang mukhang pupunta sa burol dahil sa dilim ng awra niya. “Wala na yata akong magagawa dahil nakapagdesisyon na ang mga magulang ko. Pero kapag nakahanap ako ng pagkakataon, tatakasan ko talaga ang kasalang ito,” malungkot niyang pahayag. Malungkot siyang nakatitig sa napakagandang diamond ring na nasa palasingsingan niya. Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakasal. Kailan lang ay ipinagtapat niya sa akin kung paano daw siya di umano pinilit ni Charles na makipagsiping sa kaniya noong gabi ng engagement party nila. Ako man ay labis na nagalit nang malaman ko iyon lalo at mismong mga magulang pa raw niya ang nagpumilit na matulog siya sa bahay ni Charles. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na ang mga magulang ko ang magpapasiya at mamimili kung sino ang mapapangasawa ko. Sa huli ay wala ring nagawa ang bestfriend ko kung hindi magpakasal sa lalaking ayaw niya. Ngunit ilang buwan pa ang nakalipas ay nahulog din ang loob niya rito dahil sweet at maalaga naman daw pala itong si Charles talaga. Sobrang possessive nga lang pagdating sa kaniya pero tanggap naman na raw niya ito. Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya at masaklap itong umiiyak. “Hoy! Besh, bakit ganiyan ang boses mo? Okay ka lang ba?” buong pag-aalalang tanong ko sa kaniya. Ramdam kong pinipigil niya ang mga paghikbi ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ko. “Coleen, I think hindi na talaga ako mapapatawad ni Charles. Hindi na niya ako kinakausap o kahit tingnan man lang. Para na siyang nandidiri sa akin,” sagot nito saka tuluyan nang umiyak. Ako man ay naiiyak na rin sa bigat ng nararamdaman niya. Nahuli kasi ito ng asawa sa isang hotel kasama ang isa pa naming bestfriend na si Drake. Pero ako mismo alam kong walang katotohanan iyon. Pero si Drake ay comatose parin haggang ngayon kaya ang lahat ng sisi ay bumagsak kay Kristine. “E, anong plano mo ngayon?” malungkot na tanong ko. Hindi ko alam kung anong maipapayo sa kaniya dahil ako mismo ay hindi makapaniwala sa nangyari. “Hindi ko na rin alam. Naguguluhan na talaga ako. Pero ang mas nagpapahirap sa akin ay iyong gusto niyang ipalaglag ang batang dinadala ko dahil hindi raw ito sa kaniya!” sabi nito at muli na namang humagulgol. Ako naman ay napatakip ang kamay sa bibig dahil sa pagkagulat sa narinig. “What? Naku, parang gusto ko nang batukan iyang asawa mo ha? Napaka-OA na niya! Alam mo beshy, mas mabuting iwan mo na iyang asawa mo kung ganiyan siya. Pati ba naman bata idadamay?” mabilis na tugon ko. Dinig ko lang ang patuloy na pag-iyak nito sa kabilang linya. Awang-awa ako kay Kristine dahil hindi niya deserve and nararanasan niya ngayon. Hindi ko akalaing seseryosohin ni Kristine ang sinabi ko at nilayasan nga niya ang asawa niya. Kahit ako mismo o ang pamilya niya ay hindi alam kung saan siya nagpunta. Hanggang sa lumipas ang halos apat na taon bago siya muling natunton ng asawa niya. Noong mga panahong wala siya ay nalaman naming kagagawan lahat ni Catherine ang mga nangyari sa mag-asawa. At ayon sa pagkakaalam ko ay matinding parusa ang binigay sa kaniya ni Charles. Sa kasalukuyan nga ay nakakulong na ito. At sa muling pagkikita-kita nga naming magkakaibigan ay nagkaroon kami ng lunch date kasama sina Drake at Charles. It was a surprise for Kristine, and I can’t stop myself from crying when I saw her again after almost four years. Bakit ko ba sinasabi o ikinukuwento ang buhay ng bestfriend ko ngayon? Kasi nga, dahil sa kaniya makikilala ko ang isang lalaking magpapabago ng buhay ko. At ito ay walang iba kung hindi si Congressman Sander Marconi. Paano nga ba kami nagkakilala? Ganito iyon. Sa mismong araw na masaya kaming nagkakainan at nagkukuwentuhan ay nawala na naman ang kaibigan kong si Kristine. At sa pagkakataong ito ay hindi siya umalis kung hindi sapilitang kinuha ng mga tauhan ng boyfriend ni Catherine. Nalaman din namin na nakatakas ang bruha sa kulungan at ngayon ay nagnanais na maghiganti sa bestfriend ko. Then, sa pangalawang araw na nawawala ang kaibigan ko biglang may dumating na bisita. At iyon na nga ay walang iba kung hindi si Sander. “Sir, may bisita po kayo,” pagbibigay-alam ng isang tauhan ni Charles. Magkatabi kami ni Drake sa mahabang sofa habang si Charles ay nasa swivel chair niya. Pati ang mga tauhan at iyong kaibigan ni Charles na parang bouncer sa laki ng katawan ay narito rin. Marcus ang pangalan noon. Guwapo naman kaya lang parang nakatatakot kasi parang iyong mga panga at muscles sa braso at dibdib matitigas talaga. Akala ko noon super hunk na si Charles at Drake, pero may mas malaki pa pala ang katawan sa kanila. “Sino raw?” malamig na tanong ni Charles. Mukhang problemado talaga ang asawa ni Kristine ngayon at lalong sumungit ang awra. Sabagay, ikaw ba naman, kahahanap mo lang iyong asawa mo, ngayon nawawala na naman. “Sander daw, sir.” Tugon naman noong lalaking nagsabing may bisita raw. “Papasukin mo!” utos ni Charles at agad naman itong tumalima. “Iyon ba iyong sinasabi ni Kristine na kaibigan niya sa Ilocos? ‘Di ba congressman iyon?” tanong ko. Palagi kaming narito ni Drake mula nang mawala si Kristine at lagi lang din nakaabang sa mga kaganapan. “Yeah, it’s him,” walang buhay na sagot ni Charles. Halos sabay-sabay kaming napalingon sa pumasok na bagong dating. “Hi! I’m here to offer help,” sabi ni Sander nang tuluyan nang makapasok at maupo. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaguwapuhan at lakas ng dating ni Sander. The moment na pumasok siya sa opisina ay parang nag-slow motion ang lahat sa akin. Para bang iyong ngiti at boses na lang niya ang naririnig ko sa kabuun ng silid. “Thanks,” pormal na tugon ni Charles dito. “Hello! Ako nga pala si Coleen, bestfriend ni Kristine,” pakilala ko sa sarili. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para kunin ang atensiyon niya. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang makilala. At natural na sa akin na kapag may ginusto, hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha o nagagawa. Alam kong maging ang mga tao sa paligid ko ay nagulat din sa ginawa ko. Pero nandito na ito, wala nang bawian. “Hi! I’m Sander Marconi. It’s nice to meet you!” tugon naman ni Sander kaya lalong lumapad ang ngiti ko at aaminin kong kinilig ako nang sobra. Nakatutunaw ang mga ngiti niya at iyong malalalim at asul na mga mata niya ang ganda-ganda. “And this is Drake, kaibigan din namin ni Kristine,” pakilala ko naman kay Drake. Na alam kong kanina pa makahulugan ang ngiti sa tabi ko. “Hi! Kristine already told me about you before,” sagot naman ni Sander at nagkamay sila. “Nice meeting you, pare,” sagot naman ni Drake. Ang guwapo niya talaga kaya hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya. Kaya lang mahirap magnasa sa pag-aari ng iba kaya tinanong ko siya nang lalong ikinagulat ng lahat. “Sander, may girlfriend ka na ba?” nakangiting tanong ko. Siniko pa ako ni Drake sa tanong ko pero inirapan ko lang siya. Napaka-KJ neto. “Ahm… none. I’m single,” tipid na sagot nito at halatang medyo naasiwa sa sitwasiyon. Pero ang cute niya pa rin. “That’s nice to hear,” masayang sabi ko. Nagkatinginan sina Marcus, Charles at Larry habang si Drake naman ay makahulugan din ang ngisi. “I’m so sorry, guys, pero puwede ko bang makausap si Charles ng sarilinan?” pakiusap nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero noong tumingin sa amin si Charles ay alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya tumayo na kami ni Drake. Nahuli kong pahabol akong tiningnan ni Sander kaya lalo na naman akong kinilig. Naku, Sander, dahil nilingon mo ako,akin ka na ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD