Kinabukasan ay balik trabaho kaming muli. Kahit paano ay mas ganado kaming magtrabaho ngayon dahil nga nakapagpahinga kami. Kasalukuyan akong gumagawa ng bagong speech ni Sander para sa isang event na dadaluhan niya nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. “Hi, Miss Coleen, pinatatawag tayo sa lounging area. Hindi ko rin alam kung bakit basta lahat daw tayo pumunta roon ngayon,” nakangiting sabi sa akin ni Beth. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Malapit ko nang matapos itong ginagawa ko kaya ayaw ko sanang maabala. “Sino ba nagpapatawag? Kailangan ko na kasing tapusin ito,” katuwiran ko. Medyo lumungkot ang itsura niya at tuluyan nang pumasok sa office ko. “Si Ma’am Rica ang nagsabi, paparating daw kasi si Ma’am Kiara Dominguez. Hindi ko rin talaga alam kung ano’ng meron,” pagtatap

