Chapter 37

1177 Words

Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya sa akin. At muli akong napabuntong-hininga at pumikit. Sumandal ako sa upuan ko at nanatiling nakapikit. Gusto kong pagsisihan ang desisyon ko pero huli na. Kinabukasan ay alas nuwebe akong sinundo ng sasakyan ni Kiara. Sa bandang harap ako nakaupo dahil punong-puno ng kung ano-anong gamit sa bandang likod. Si Kiara daw ay nauna na sa venue. Pagdating sa pupuntahan namin ay puno ng tao ang labas ng building. Maging ang hallway na dinadaanan namin ay halos puno rin ng mga tao. Iyong mga nadadaanan naming pinto ng mga silid ay may pangalan. Hanggang sa marating namin iyong pintuan na pangatlo sa pinakahuli. Nakakabit ang pangalan ni Kiara kaya binuksan na iyon noong driver at pumasok na kami. Dressing room pala ito. Pagpasok kasi namin ay may mga helera

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD