“S-Sander…” tawag ko sa kaniya. Muli akong napalunok nang matalim niya akong tingnan. Akala ko ay pagagalitan niya ako pero sa halip ay bigla niya akong niyakap ng buong higpit. Nagulat ako sa ginawa niya at parang bigla ay naiiyak ako. Biglang-bigla ay nanginig ang buong katawan ko at bumalik lahat sa akin kung paano ako trinato ng mga tao doon sa event kanina. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako at ang mga hikbi ko ay kusa na ring kumawala. “Bakit mo pinayagang tratuhin ka nila ng ganon? Magbabayad sila sa ginawa nila sa iyo. Magbabayad silang lahat!” galit na galit na pagbabanta ni Sander. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin, at lumakas naman ang pag-iyak ko. Maging ang mga balikat ko ay hindi mapigil ang pagyugyog. Nang humupa ang aming mga emosyon ay saka lang niya ako

